Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Heber Bartolome. Show all posts

Nena

Nena lyrics - Heber Bartolome




 

Ang nanay n'ya'y naglalaba, ang tatay n'ya'y pagod
Galing sa trabaho, wala pang tulog
Si Nena'y nagbabasa, nag-aaral pa
Nag-iisang anak ng kanyang ama't ina
Tanging pag-asa ng kanyang ama't ina

Ang nanay n'ya'y umiiyak, ang tatay n'ya'y patay
Naipit ng makina doon sa pabrika
Sinikap ng kanyang nanay na sila ay mabuhay
Sa paglalaba ay tumulong s'ya
Si Nena'y natigil sa pag-aaral n'ya

Chorus
Lumaki si Nena, di nakapag-aral
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "kailan ito magwawakas?"

Ang nanay n'ya'y nakahiga, mata'y nakapikit
Sa labis na trabaho, ito'y nagkasakit
Si Nena'y nababalisa, kailangan n'ya'y pera
Walang mauutangan, saan kukuha?
Kailangan niya'y pera, saan s'ya kukuha?

Chorus
Lumaki si Nena, kaakbay ay hirap
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "saan ito magwawakas?"

Bago dumilim, si Nena'y umaalis
Laging naka-make-up, maiksi ang damit
Ang itsura n'ya ay kaakit-akit
Bukas na ng umaga ang kanyang balik
Ayaw ni Nena, ngunit s'ya'y nagigipit

Adlib:
Oh hmmm
Nena, Nena
Hmmm...

Coda
Tulad ni Nena, marami pang iba
Kahit saan maraming
Nena...

Tayo'y Mga Pinoy

Tayo'y Mga Pinoy lyrics - Heber Bartolome





Tayo'y mga pinoy, tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.


Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay-kayumanggi
Ngunit di ko maipakita, tunay na sarili.

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Chorus 1
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayron naman tayo
Tayo'y mga pinoy, tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Dito sa silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Repeat Chorus 1

Chorus 2
Mayrong isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
Wag na lang.

Repeat Chorus 2 except last line

Wag na, oy oy
Oy, ika'y pinoy
Oy oy, ika'y pinoy.


Filipino Artists/Bands