Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Richard Reynoso. Show all posts

Hindi Ko Kaya

Hindi Ko Kaya lyrics - Richard Reynoso




I
Magmula ng magkalayo
Araw-gabi nalulungkot
Di matanggap ng damdamin
Na ikaw ay hindi na akin.

II
Pa'no ang gagawin ko
Nasanay na sa piling mo
Sana'y hindi tayo nagkalayo
Sana'y naririnig mo.

(Chorus)
Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako'y nasasaktan
Ang katotohanan ay mahal parin kita

III
Nasan kaman sana'y dinggin,
Puso ko ay muling mahalin
Ang nagdaan muling balikan,
Muling buhayin ang pagmamahalan

(Repeat II stanza & Chorus)


Ale (Nasa Langit Na Ba Ako)

Ale (Nasa Langit Na Ba Ako) lyrics - Richard Reynoso





Isang araw, nagmamaneho sa Cubao
Aking nakita, babaeng saksakan ng ganda

Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nya
Hindi ko nakitang may dumarating pala
Hindi ko naiwasan, kami biglang nagkabanggaan

Nung magkamalay ay nasa ospital na ako
Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko

Biglang-bigla na lang, ang nurse andyan na
At para ‘kong nakita anghel sa ganda
Kahit nagdedeliryo, itong nasabi ko sa kanya

[Chorus]
Ale, nasa langit na ba ako?
Mama, kayo po ba si San Pedro?
Ok lang sa akin kung ako’y dedbol na
Basta’t ikaw ang lagi kong kasama
Kaya ale, nasa langit na nga ako

At paglabas ko, niyaya ko na syang pakasal
Tinanggihan nya, at ang sabi may asawa na sya

Dinamdam kong masyado’ng sinabi nya
Hindi ko nakita, hagdan ubos na
Ako ay nahulog, sa semento ulo ko’y nauntog

Nang magkamalay ay naroon na naman ako
Inasikaso ng duktor na pili ng utol ko

Biglang-bigla na lang, ang bagong nurse nandyan na
Tinanong ko muna sya kung may asawa na sya
Ang sabi nya'y wala, ang puso ko’y biglang natuwa
At nasabi ko'y

[Repeat Chorus]

Filipino Artists/Bands