Nena
Nena lyrics - Heber Bartolome
Ang nanay n'ya'y naglalaba, ang tatay n'ya'y pagod
Galing sa trabaho, wala pang tulog
Si Nena'y nagbabasa, nag-aaral pa
Nag-iisang anak ng kanyang ama't ina
Tanging pag-asa ng kanyang ama't ina
Ang nanay n'ya'y umiiyak, ang tatay n'ya'y patay
Naipit ng makina doon sa pabrika
Sinikap ng kanyang nanay na sila ay mabuhay
Sa paglalaba ay tumulong s'ya
Si Nena'y natigil sa pag-aaral n'ya
Chorus
Lumaki si Nena, di nakapag-aral
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "kailan ito magwawakas?"
Ang nanay n'ya'y nakahiga, mata'y nakapikit
Sa labis na trabaho, ito'y nagkasakit
Si Nena'y nababalisa, kailangan n'ya'y pera
Walang mauutangan, saan kukuha?
Kailangan niya'y pera, saan s'ya kukuha?
Chorus
Lumaki si Nena, kaakbay ay hirap
Di natitiyak kung ano ang bukas
O, kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
Ang tanong niya'y, "saan ito magwawakas?"
Bago dumilim, si Nena'y umaalis
Laging naka-make-up, maiksi ang damit
Ang itsura n'ya ay kaakit-akit
Bukas na ng umaga ang kanyang balik
Ayaw ni Nena, ngunit s'ya'y nagigipit
Adlib:
Oh hmmm
Nena, Nena
Hmmm...
Coda
Tulad ni Nena, marami pang iba
Kahit saan maraming
Nena...