Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Florante. Show all posts

Ako'y Isang Pinoy

Ako'y Isang Pinoy lyrics - Florante





Intro:

Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Chorus
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.

Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.

Repeat Chorus
Repeat 1st verse

Handog

Handog lyrics - Florante




Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handugan

Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan

Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil...(fading)

Nanay Mo Lang

Nanay Mo Lang lyrics - Florante





Sampung asawa libong kaibigan makakakita sa mundo
ngunit subukin ang katapatan, ilan ang tunay at totoo.
Iyong bilangin ang handang magdusa at magpakasakit para sa iyo.
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiis sa iyo.

Kahit maraming kamag-anakan huwag mong asahang dadamay sa 'yo.
Sa kagipitan ang siguradong unang tutulong ay ang nanay mo.
Iyong bilangin ang handang sumama sa kasukdulan ng problema mo.
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiyaga sa iyo.

Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang ang laging kakampi sa iyo.
Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang na nagluwal sa iyo.

Kung pipiliin tatay o nanay, sino ang nagpakahirap ng husto.
Huwag mong sabihin na patas lamang dahil parehong nagmamahal sa 'yo
Iyong bilangin ang mga lalaking nakahanda na magdalangtao
Walang maaring pumantay sa iyong nanay
Nanay mo lamang, nanay mo lamang,
nanay mo lamang, nanay mo lamang

Tanging ina mo, tanging ina mo
tanging ina mo, tanging ina mo
Tanging ina mo, tanging ina n'yo
tanging ina n'yo

Filipino Artists/Bands