Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Freddie Aguilar. Show all posts

Magdalena

Magdalena lyrics - Freddie Aguilar




Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait
Magdalena ikaw ay 'di maintindihan
Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera

REFRAIN
Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad
Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa
'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo
Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan
Ang pangarap mo, maahon sa hirap

[Repeat REFRAIN]

CHORUS
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena


Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik
Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit
Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis
Ang dalangin mo, kailan maririnig

AD LIB

[Repeat CHORUS]


Ina

Ina lyrics - Freddie Aguilar





Siya ang iyong ina
Na sa 'yo'y nagsilang
Siya ang 'yong ina
Na sa 'yo'y nagmahal

Magmula nung bata ka
Ay 'di ka niya binayaan
Lagi siya sa 'yong tabi
'Di humihiwalay sa 'yong piling

CHORUS
Siya ang 'yong ina
Na sa 'yo'y nagmahal

Siya ang 'yong ina
Na ngayo'y lumuluha
Siya ang 'yong ina
Ano ang iyong ginawa

Labis mong sinaktan
Ang kaniyang damdamin
'Di mo man lang pinansin
Ang kanyang mga bilin

[Repeat CHORUS 4x]

Estudyante Blues

Estudyante Blues lyrics - Freddie Aguilar




I
Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan

Paggising sa umaga
Sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskwela

Kapag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin

Ako'y sunud-sunuran
Ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin


REFRAIN
Ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang


II

Paggaling sa eskwela
Diretso na ng bahay
Wala naman akong aabutan

Wala doon si Nanay
Wala doon si Tatay
Katulong ang naghihintay

Tatawag ang barkada
Sa kanila'y sasama
Lagot na naman paglarga

At 'pag nangangatwiran
Ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin

[Repeat REFRAIN]
[Repeat I]
[Repeat REFRAIN]



Ako ang nakikita
Ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan

Filipino Artists/Bands