Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Awit Para Sa Bayan. Show all posts

Saludo

Saludo lyrics - Quest





Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika'y isinilang

Di pangkaraniwang para siyang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro
Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap

Parang pelikula, action, adventure, drama
May konting comedy, love story na pang masa
Galing sa wala akala mo talo na tapos,
Yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos

Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon
Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy)
Ito ang araw mo, bayaning pinoy

[Chorus:]
Saludo
Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay
Saludo
Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila
Saludo

Sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo
Kami sa inyo ay saludo, saludo

Walang balak sumuko, walang planong gumuho
Tagumpay lang, walang iba binigay nya buong puso
Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso

Ang buhay positibo, agresibo mismo
Kaya pinarangalan syang Bayaning Pilipino
Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto
Inabot nya ang ginto

Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggan nag-trending, ang daming likes, di na makalimutan
Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan

Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan,
Binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay, walang humpay
Tagumpay,

[Chorus:]

[Bridge:]
Sabi daw walang pagasa pero tinapos
Sabi daw imposible pero di pa rin natakot
Sabi nila mahirap pero nag pursige
Kaya ngayon lahat sila sige lang sige

Nung lahat umurong, siya sumugod
Nung lahat lumubog, siya ‘di nalunod
Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

Saludo
Paglaki ko gusto ko maging katulad mo
Saludo
Maipagmamalaki sa buong mundo

Saludo
Ikaw ang dahilan kung bat hindi ako susuko
Saludo
Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat

[Chorus:]

Isang Lahi

Isang Lahi lyrics - Rodel Naval






Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon at magbabago ang panahon
Kung bawat pagdaing ay laging pabulong

Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang
Tanong ay kailan bakit di natin
Isabog ang pagmamahal

Chorus
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal
Ang ialay mo pang-unawang
Tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan
Sa palad mo

Di ba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat iilawan ang
Ating landas ng magkaisa
Bawat nating pangarap
(Repeat Chorus 2x)

Sa palad mo...


Mga Kababayan Ko

Mga Kababayan Ko lyrics - Francis M.





Chorus
Mga kababayan ko
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayron namang kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang 'yung minimithi

Dapat magsumikap at ng tayoy di maghirap
Ang trabaho mo pagbutihin mo
Dahil pag gusto mo ay kaya mo
Kung kaya mo ay kaya nya
At kaya nating dalawa

Magaling ang atin
Yan ang laging iisipin
Pag asenso mararating
Kung handa kang tiisin
Ang hirap at pagod sa problema
Wag kang malunod
Umaahon ka wag lumubog
Pagkat ginhawa naman ang susunod
Iwasan mo ang inggit
Ang sa ibay ibig mong makamit
Dapat nga ikaw matuwa sa napala ng iyong kapatid
Ibig mong ipabatid
Na lahat tayo ay kabig bisig

Repeat chorus


Respetohin natin ang ating ina
Ilaw siya ng tahanan
Bigyang galang ang ama
At ang payo nya ang susundan
At sa magkakapatid
Kailangan ay magmahalan
Dapat lang ay pag-usapan ang hindi nauunawaan

Wag takasan ang pagkukulang
Kasalan ay panagutan
Magmalinis ay iwasan
Nakakainis marumi naman
Ang magkaaway ipagbati
Gumitna ka at wag kumampi

Lahat tayoy magkakapatid
Anong mang mali ay ituwid
Magdasal sa diyos maykapal
Maging banal at wag hangal
Itong tula ay alay ko
Sa bayan ko at sa buong mundo

Repeat chorus

Bayan Ko

Bayan Ko lyrics - Lea Salonga





Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad,
Nag-alay ng ganda't dilag,

At sa kanyang yumi at ganda,
Dayuhan ay naghalina
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa

Chorus:
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya

Aking adhika,
Makita kang sakdal laya...

Ako'y Isang Pinoy

Ako'y Isang Pinoy lyrics - Florante





Intro:

Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Chorus
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaan.

Si Gat Jose Rizal nuo’y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.

Repeat Chorus
Repeat 1st verse

Tayo'y Mga Pinoy

Tayo'y Mga Pinoy lyrics - Heber Bartolome





Tayo'y mga pinoy, tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.


Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay-kayumanggi
Ngunit di ko maipakita, tunay na sarili.

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Chorus 1
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayron naman tayo
Tayo'y mga pinoy, tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Dito sa silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa kanluran?

Repeat Chorus 1

Chorus 2
Mayrong isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
Wag na lang.

Repeat Chorus 2 except last line

Wag na, oy oy
Oy, ika'y pinoy
Oy oy, ika'y pinoy.


Pilipinas Kong Mahal

Pilipinas Kong Mahal lyrics - Geneva Cruz





Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas kong mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin ko'y gagampanan
Na laging kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong hirang

Pilipinas kong hirang

Lahing Pinoy

Lahing Pinoy lyrics - Manny Pacquiao




Lagi kung itataas
Bandila ng Pilipinas
Saan man sulok ng mundo
Iwawagayway ko ito

Kahit saan kahit kailan
Bastat kung para sa bayan
Buhay ko ay ilalaan
Sa lupa kong sinilangan

Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko

Sumigaw ang pinoy..HOY!!
Ang lahat ng pinoy...HOY!!
Ang lahi ng pinoy sa mundo
Pilipino

Lagi kung isisigaw
Mabuhay ang Pilipinas
Ang bayan na pinagmulan
Kaya ako ay malakas

Dugong bayani ay taglay
Ang syang nalalalaytay
Sa nag aalab kong kamay
Pag sumuntok todo bigay

Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko

Sumigaw ang pinoy..HOY!!
Ang lahat ng pinoy...HOY!!
Ang lahi ng pinoy sa mundo

Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko

Sumigaw ang pinoy..HOY!!
Ang lahat ng pinoy...HOY!!
Ang lahi ng pinoy sa mundo

Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipino
Ang lahi ko
Pilipino, Pilipino, Pilipinooooo AKO.

Magkaisa

Magkaisa lyrics - Virna Lisa



Ngayon, ganap ang hirap sa mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa ilaan

Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala

Chorus 1:
Panahon na ng pagkakaisa
Kahit ito ay hirap at dusa

Chorus 2:
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga't bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin s'ya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa

Ngayon, may pag-asang natatanaw
May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina

(Repeat Chorus 1 & 2)

Chorus 3:
(Magkaisa) May pag-asa kang matatanaw
(At magsama) Bagong umaga't bagong araw
(Kapit-kamay) Sa atin s'ya'y nagmamahal
(Sa bagong pag-asa)

Chorus 4:
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (may bagong araw, bagong umaga)
Kahit ito (pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina)
Ay hirap at dusa

Coda:
Magkaisa at magsama
Kapit-kamay sa bagong pag-asa

Isang Lahi

Isang Lahi lyrics - Regine Velasquez





Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay
Sa daigdig darating ba ang isa
Ngayon at magbabago ang panahon
Kung bawat pagdaing ay laging
Magulo

Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang
Tanong ay kailan bakit di natin
Isabog ang pagmamahal

Chorus
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya
At gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal
Ang ialay mo pang-unawang
Tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y
Nandiyan sa palad mo

Di ba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat iilawan ang
Ating landas ng magkaisa
Bawat nating pangarap

Repeat Chorus 2x

Watawat

Watawat lyrics - Francis M.





Hinagpis ng lahi sayo binuhos
Luha'y tumulo dugo'y umagos
Saksi ang langit sa mga pasakit
Kung sino-sino ang mga gumamit
Inapi ka inano ka sinaktan pa,
Bakit sino ba sila?
Nanumpa ng tapat sayo
Sa papel luman at tsaka dugo
Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw
Sa ilaw na hatid ng pagsilab ng araw
Sa bawat katerba ng balingaw
Kalayaan ang isinisigaw

(Chorus)

Watawat kay gandang tingnan
Watawat sa kalangitan
Watawat itaas mo yan
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Watawat edad ay isang daan
Watawat makulay ang nakaraan
Watawat itaas mo yan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan

Bughaw ang kulay ng katarungan,
kapayapaan at katotohanan.
Pula naman ang kulay ng kagitingan,
katapangan, pagkamakabayan.
Puti naman ang kulay ng kalinisan
na tayong lahat ay pantay-pantay lamang
At ang sinag ng araw na kulay dilaw
ay ang walong lalawigan na lumaban noong araw
Batangas, Bulacan at Laguna sa Nueva Ecija
at Pampanga Maynila, Cavite, Lalawigan ng Tarlac
Ipagtanggol ka lamang oh mahal kong...

(repeat chorus)

Tatlong Bituin at isang araw
Sa pula sa puti sa bughaw sa dilaw
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan
Itaas mo yan, itaas mo dyan
Ipantay ang bandila ng bayang sinilangan
Alab ng puso sa dibdib ay buhay hanggang mamatay
kahit kanino sasabay
Sana maintindihan at mabigyang pansin
Suriin natin ang istorya ng bandila natin
ang diwa sa disenyo sa mga nagtahi nito,
nag-isip nito, nagtaas nito, nagtaas noo.

(repeat chorus 3x)

Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija,
Cavite, Maynila, Pampanga, Tarlac.

Three Stars and a Sun

Three Stars and a Sun lyrics - Francis M.





Three stars and a sun, in one sky, so high,
I live and die and die will I for my
Motherland this is the land of my birth,
No purse is worth the price of this earth
Can we rise, can we all, hell no!,
Or should we all just take the fall?
Bless the man if his heart and his land are one
...3 stars & a sun!
3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!
Ommision to a mission, transport for the brain,
Packed w/ stacks of tracks built for a train,
I eat lead, but I never let it be said,
"He said, she said," it makes me see red
'Cuz I don't take bullshit & I'm 'a pack it and push it,
And hit you w/ the full clip
Switch to mode lock-'n'-load in the land of Juan
...the 3 stars & a sun!
3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!
Bahay kubo kahit munti, may pula,
Bughaw, dilaw, atsaka puti
There is a need to sow the seed,
Toil the soil and plod until your hands bleed
'Cuz this land is sacred,
Many a battle have been fought with hatred
Don't tell me that you understand,
It's been 4 hundred years of tears
For the brown man,
Still and all the fight has just begun
...3 stars & a sun!
3 stars & a sun! I'm ready to defend the 3 stars & a sun!

Filipino Artists/Bands