Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Asin. Show all posts

Anak

Anak lyrics - Asin




Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo

Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa’y para sa 'yo
Pagkat ang nais mo’y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali

Bayan Ko

Bayan Ko lyrics - Asin




Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Chorus:
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika, makita kang sakdal laya

Maynila, oh Maynila
Damhin mo ang pag-asa
Maynila, oh Maynila
At itanghal itong bansa

Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika, makita kang malaya

Bahay Kubo

Bahay Kubo lyrics - Asin




Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
At sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Sitsiritsit alibangbang
salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
kung gumiri parang tandang

Sitsiritsit alibangbang
salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
kung gumiri parang tandang

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
At sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Orasyon (Mano Po)

Orasyon (Mano Po) lyrics - Asin




Ilang saglit na lamang
Ang sikat ng araw
Papantay sa kapaligiran
Kay gandang pagmasdan
Ang ibon at kulisap nagsasagutan
Sa tunog ng kampanang kanilang sinasabayan

Ang mga bata naglalaro sa bakuran
Dahan dahang nagliligpit ng kanilang mga laruan
At papanhik sila ng bahay
Doon ay madadatnan
Ang lolo at lola
At mga mahal na magulang

Alas-sais na ng hapon
Oras ng orasyon
Tahimik sa bukid
Habang nagdidilim ang paligid
At ang maganda kong mailarawan
Ay ang pagmano sa magulang
Sa lolo, sa lola tanda ng paggalang

Mano po sa inyo
Ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
Mano po inay, mano po itay
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay

Ang kaugaliang aking nakita
Sana'y manatiling isang magandang halimbawa
Ito'y isang kaugalian na sana'y pag-ingatan
Hiyas ng kabataan
Sana'y pangalagaan

Mano po sa inyo
Ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
Mano po inay, mano po itay
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay


Ikaw, Kayo, Tayo

Ikaw, Kayo, Tayo lyrics - Asin




Ikaw ang dahilan ng pagkasira ng mundo
Ikaw ang dahilan ng salot sa tao
Iyong yaman at sa gabi
Ginagamit sa pang-aapi anong uri ka ng tao

Ikaw ang itim na tupa ni kristo
Ikaw masahol pa sa isang demonyo
Mahilig kang manloko ng taong may tiwala sa iyo
Anong uri ka ng tao

Ikaw (Ikaw) ang taong mapagkunwari
Akala mo (Akala mo) Akala mo'y isa kang hari
Nguni't hindi mo nalalaman ikaw ay isang basurahan
Yan ang nakikita ko sa iyo

Kayo (kayo) Nama'y walang magawa
Doon sa ulap laging nakatanga
At ang bibig ay nakabuka
walang nagawa laging tulala

Tayo tayong lahat ay anak ng tao
Tayo tayo ang lilinis sa duming ito
Kaya dapat ay magising na imulat na ang mata
Upang makita ang totoo

Bato-Bato Sa Langit

 Bato-Bato Sa Langit lyrics - Asin




Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit
Si Pepe ay nagalit sa tinapay na hinagis
Huwag sanang maghinanakit
Sa mga payong naririnig
Ito'y kusang dumarating katungkulang nasa atin

Sa mga taong may alam
Kami po ay nanawagan
Meron kang matututunan sa taong nasa lansangan
Ipamahagi mo ang iyong alam 'yay isang kayamanan

Ang panaginip ko't pag-ibig yan ay walang katapusan

Kung meron mang isa riyan tinatamaan ng bato
Kung meron kang hinanakit
kabilang kami sa iyo
'Kinig sa lahat na payo
kahit na ito'y galing sa bato

Di ba langit ang magtiwala ang bukas ay iwasto

Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit
Si Pepe ay nagalit sa tinapay na hinagis
Huwag sanang maghinanakit
Sa mga payong naririnig
Ito'y kusang dumarating katungkulang nasa atin

Sa mga matitigas ang ulo ito ay kumakatok
Mga payong di mo matanggap
Ipasa mo sa mga damo
Ibubulong mo ito sa hangin malay
Mo't Bumalik sa amin

Tapos na ang pinag-usapan ang bilog umikot na naman

Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit
Si Pepe ay nagalit sa tinapay na hinagis
Huwag sanang maghinanakit
Sa mga payong maririnig
Ito'y kusang dumarating katungkulang nasa atin

Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit
Si Pepe ay nagalit sa tinapay na hinagis

Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit

Bato-Bato Sa Langit
Ang tamaan ay huwag magalit

Kahapon At Pag-ibig

Kahapon At Pag-ibig lyrics - Asin




Buhay mo ay ingatan mo, pagkat yan lang ang yaman mo
Ang pag-ibig mo sa kapwa ay tutularan ng bagong silang
Darating ang panahon ang kabutihan mo ay maiiwan
Sa lupang ito na pinagpala sa nilikhang iba't ibang anyo

Buhay mo ay ingatan mo, pagkat yan lang ang yaman mo
Ang pag-ibig mo sa kapwa ay tutularan ng bagong silang

Kung nasa isip mo pa ang hapdi ng lumipas
Wala na bang puwang ang kasalukuyan
Sabihin mo at magnilay ka Sa harap ng pinagpala

Ang pait ng iyong kahapon
Katumbas ay tamis ng pag-asa
Sabihin mo sa harap ko
Na ikaw ay magbabago

Sabihin mo at magnilay ka
Sa harap ng pinagpala

Buhay mo ay ingatan mo, pagkat yan lang ang yaman mo
Ang pag-ibig mo sa kapwa ay tutularan ng bagong silang

Buhay mo, buhay mo ay ingatan mo
Sabihin mo, sabihin mo at magnilay ka
Buhay mo, buhay mo ay ingatan mo
Sabihin mo, sabihin mo at magnilay ka

Musika Ang Buhay

Musika Ang Buhay lyrics - Asin




Halos lahat ay nagtatanong doon sa aming bayan
Sa gitnang kanluran na aking pinagmulan
Sila’y nalilito, ba’t daw ako nagkaganito
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

Magulang ko’y ginawa na ang lahat ng paraan
Upang mahiwalay sa aking natutunan
Subalit iniwan ko ang ibinigay na karangyaan
Kung ano ang dahilan, ako lang ang nakakaalam

CHORUS
Musika ang buhay na aking tinataglay
Ito rin ang dahilan kung ba’t ako naglalakbay

Kaya ngayon ako’y narito upang ipaalam
Na ‘di ako nagkamali sa aking daan
Gantimpala’y ‘di ko hangad na makamtan
Kundi ang malamang tama ang aking ginawa

Itanong Mo Sa Mga Bata

Itanong Mo Sa Mga Bata lyrics - Asin




Ikaw ba’y nalulungkot
Ikaw ba’y nag-iisa
Walang kaibigan
Walang kasama

Ikaw ba’y nalilito
Pag-iisip mo’y nagugulo
Sa buhay ng tao
Sa takbo ng buhay mo

Ikaw ba’y isang mayaman
O ika’y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa
Ang mas nahihirapan

CHORUS 1
Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba’y walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila

Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay ‘yong makikita

Ikaw ba’y ang taong
Walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan
Ikaw ma’y naguguluhan

Tayo ay naglalakbay
Habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba’y tulay
Tungo sa hanap nating buhay

Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin

CHORUS 2
Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila

Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan

[Repeat CHORUS 1]


Masdan Mo Ang Kapaligiran

Masdan Mo Ang Kapaligiran lyrics - Asin




INTRO

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin

REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati’y kulay asul, ngayo’y naging itim

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, ‘wag na nating paabutin
Upang kung tayo’y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

REFRAIN 2
Mayro’n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

AD LIB

Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan

REFRAIN 3
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan

Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon’y namamatay dahil sa ating kalokohan

REFRAIN 4
Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no’ng ika’y wala pa
Ingatan natin at ‘wag nang sirain pa
‘Pagkat ‘pag Kanyang binawi, tayo’y mawawala na

[Repeat REFRAIN 2]

Lumang Simbahan

Lumang Simbahan lyrics - Asin




Sa lumang simbahan aking napagmasdan
Dalaga't binata ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod sa harap ng altar
Sa tig-isang kamay may hawak na punyal

Kung ako'y wala na, ang bilin ko lamang
Dalawin mo giliw, ang ulilang libing
At kung maririnig mo ang taghoy at daing
Yao'y panghimakas ng sumpaan natin

At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw

Adlib:

At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw, sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw

Dandansoy

Dandansoy lyrics - Asin




Dandansoy, bayaan ta ikaw
Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
ang payaw imo lang lantawon.
Dandansoy, kung imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.
Kumbento, diin ang cura?
Munisipyo, diin justicia?
Yari si dansoy makiha.
Makiha sa pag-higugma
Ang panyo mo kag panyo ko
Dal-a diri kay tambihon ko
Ugaling kung magkasilo
Bana ta ikaw, asawa mo ako.

Gising na Kaibigan

Gising na Kaibigan lyrics - Asin




INTRO

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian sariling kamay at paa
Problema'y tinatalikdan
Salamin sa mata'y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya kung ika'y may makakain
Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

CHORUS
Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago
Kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo

[Repeat 1st Stanza]

Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

Magnanakaw

Magnanakaw lyrics - Asin




INTRO

Ayon sa kasulatan, ayon sa mga nakaraan
Ayon sa mga nangyayari noon at sa nangyayari ngayon
Tayong mga Pilipino raw ay may ugaling magnanakaw
Mula pa no'ng unang panahon hanggang sa kasalukuyan
Ito kaya'y totoo, ito kaya'y nangyayari
Ito kaya'y nangyayari noon, nangyayari din kaya ngayon
Ito kaya'y dahil na rin sa ating katamaran
Hindi tapat sa gawain at sa iba'y nakikinabang

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang iyong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Ginagamit ang galing sa hindi tamang gawa

CHORUS
Ang magnanakaw ay mapagsamantala
Magaling magkunwari, madaling makilala
Balat-kayong ginagamit kahit hindi sa pirata
Magnanakaw pa rin ang nakikita sa kanya

May nagnanakaw ng oras, talino at pawis
Pati ang galing kung minsa'y ninanakaw rin
Ano kaya ang dapat gawin ngayong alam na natin
Dahil na rin ba sa katamaran, hahayaan na lang ba natin

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang 'yong ginagawa
Ikaw ba'y isang magnanakaw at taong mapagsamantala
Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha
Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba

[Repeat CHORUS]

Usok

Usok lyrics - Asin




INTRO
Isip mo'y unti-unting
Nawawala't nalilito
Ang tulad mo'y parang usok
Unti-unting naglalaho

Tanging hiling ko lang sa 'yo
Nakaraan ay tanggapin
At ang ngayon ay harapin
Ang bukas mo'y darating pa

Kaya't huwag sanang damdamin
'Pagkat ito'y payo lamang
Mula sa akin, kaibigan
Na sa iyo'y nagmamahal

Huwag mong sayangin ang panahon
'Pagkat ito'y may hangganan
Buksan mo ang pintuan
Kasama ng iyong puso

CHORUS
Tinangay na ng hangin
Ang masamang panaginip
Kaya't bigyan mo ng puwang
Ang puso mong nalulumbay


AD LIB

[Repeat 3rd & 4th Stanzas]
[Repeat CHORUS]
[Repeat 1st Stanza]

CODA

Pagbabalik

Pagbabalik lyrics - Asin




INTRO

Sa gitna ng dilim
Ako ay nakatanaw
Ng ilaw na kay panglaw
Halos 'di ko makita
Tulungan mo ako
Ituro ang daan
Sapagkat ako'y sabik
Sa aking pinagmulan

CHORUS
Bayan ko, nahan ka
Ako ngayo'y nag-iisa
Nais kong magbalik
Sa iyo, bayan ko

Patawarin mo ako
Kung ako'y nagkamali
Sa landas na aking
Tinahak

Sa pagsibol ng araw
Hanggang dapit-hapon
Malamig na hangin
Ang aking kayakap

Huwag sanang hadlangan
Ang aking nilalandas
Sapagkat ako'y sabik
Sa aking sinilangan

[Repeat CHORUS]

AD LIB

[Repeat 2nd Stanza of CHORUS]

Himig ng Pag-ibig

Himig ng Pag-ibig lyrics - Asin




INTRO
Hoo hoo hoo
Hoh hoh hoh

Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
'Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
Bawat sandali'y mahalaga sa atin

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating

Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin

CHORUS
Nan na na na
Nan na na na
Nan na na na
Nan na na
Nan na na na
Nan na na na na
[Repeat]

At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig, kay sarap haplusin

Tulad ng tubig sa batis, hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin

AD LIB

[Underneath 3rd Stanza]
(Ang ibong malaya)
(Langit man ay nais n'yang marating)

(Ang tibok ng puso)
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin

CHORUS
La (na na)
La la (na na)
La la (na na, na na)
La (na na)
La la (na na)
La la (na)
La la la la la la la (na na)
La la (na na)
La la (na na, na na)
La (na na)
La la (na na)
La la (na)
La la la la la la la

Tuldok

Tuldok lyrics - Asin




INTRO

Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan
Na dapat mapansin at maintindihan
Kahit sino ka man ay dapat malaman
Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang
Kahit na ang araw sa kalangitan
Siya ay tuldok lamang sa kalawakan
Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan
At kung masdang mabuti, tuldok ang uuwian

AD LIB

Tingnan mong mabuti ang 'sang katauhan
Maraming nag-aaway, tuldok lang ang dahilan
Sa aking nakita, ako'y natawa lang
'Pagkat ang nangyayari'y malaking kahibangan

Kaya wala kang dapat na ipagmayabang
Na ikaw ay mautak at maraming alam
Dahil kung susuriin at ating iisipin
Katulad ng lahat, ikaw ay tuldok rin

Balita

Balita lyrics - Asin




Chorus:
lapit mga kaibigan at makinig kayo
ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento at
ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

I
Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo
May mga lorong di makalipad nasa hawlang ginto
may mga puno walang dahon
mga pusong di makakibo
sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

II
mula ng makita ko ang lupang ito
nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago,
ngayon ang puso'y may takot sa lupang pinangako

(repeat chorus)

III
dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
dati rati'y ang mga ibon sinlaya ng tao
dati rati ay katahimikan, ang musikang nagpapatulog sa mga batang walang muwang sa mundo

IV
ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso
ng taong una n'yong dadamhing kabilang sa inyo

V
duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya nga nagagahitabu sa banwag isa na to

Hangin

Hangin lyrics - Asin




CHORUS
O, hangin (o, hangin)
Pinayapa mo ang aking damdamin
O, hangin (o, hangin)
Linutas mo ang aking mga suliranin

Hanging maitim ang nasa bayan
Likha ng usok sa pagawaan
Ito'y 'di mo masilayan
Dito sa bundok at kabukiran

Punong kawayan ang aking nakikita
Buhay ng karamiha'y sa kanya gumagaya
'Di tiyak kung saan pupunta
Bawat galaw, hangin ang nagdadala

[Repeat CHORUS]

Aking himig, inyong maririnig
Sa hangin na nasa paligid
Kasabay sa ibong nagliliparan
At kaluskos ng dahon sa palayan

Buhay ko'y katulad niya
Kung saan-saan napupunta
Dahil sa himig na aking dala
At sa hawak kong gitara

[Repeat CHORUS]

O, hangin (oh oh)

Filipino Artists/Bands