Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Ariel Rivera. Show all posts

Sana Kahit Minsan

Sana Kahit Minsan lyrics - Ariel Rivera




Bakit ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa aki'y aliw at tila ba ito'y hulog pa ng langit

Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay hindi pala tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo

Pag nakita ka na'y ayaw nang kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagkan, yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay hindi pala tunay at
nanghihinayang na

Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal at yan ang totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa yo

Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko ang yong pagmamahal
Sana'y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko

Sana ay mapansin ako, malaman mong kita'y mahal at yan ay totoo
Huwag mong iisiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa yo'y tunay
Sa yo'y tunay

Sana kahit minsan... minsan
Sana kahit minsan...
Sana kahit minsan...

Sana Dalawa Ang Puso Ko

Sana Dalawa Ang Puso Ko lyrics - Ariel Rivera




Parang kailan lang buhay ko'y walang gulo
May minamahal at minamahal ako
Nang makilala ka buhay ko'y biglang nagbago
Ako'y nagtataka puso ko'y litong-lito

Refrain:
Bakit nga kaya iisa ang puso natin?
Hindi naman natin maaaring hatiin

Chorus:
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito
Kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Para bang tukso na 'di ko kayang matalo
Isip ko'y lito, walang mapili sa inyo
Sabi nga nila 'di maaaring magpantay
Pag-ibig sa dal'wa, kaya't tanong ko lagi ay

Repeat Refrain:
Repeat Chorus:

Bridge:
Ngunit kung isa
Sa inyo'y mawawala
'Di makakaya
Ang hirap na madarama
Kahit alam ko
Na darating din ang araw
Na pipili ako
Kung siya na nga o kung ikaw

Repeat Chorus:

Sana, oh, sana
Sana, oh, sana
Sana, oh, sana
Sana, oh, sana

Minsan Lang Kitang Iibigin

Minsan Lang Kitang Iibigin lyrics - Ariel Rivera




Mahal, pangako sa iyo
Hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko

Kahit Ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.

Minsan lamang sa buhay ko
Ang 'sang katulad mo
Ako rin ba'y iniibig mo
Dinggin puso'y sumasamo
Sinusumpa sa'yo
Ikaw ang tanging dalangin ko.

Ang pag-ibig ko'y tanging sa'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa'yo'y walang hangganan

Dahil ang minsan, ay magpakailanman.
Dahil ang minsan, ay magpakailanman.

Filipino Artists/Bands