Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Parokya Ni Edgar. Show all posts

Silvertoes

Silvertoes lyrics - Parokya Ni Edgar




Wag ka nang mag-alala
Hinding-hindi ako inlab sa 'yo
Bakit ba pakiramdam mo pa yata
Lahat kami ay naaakit mo

Miss, miss, pakitigil lang please
Ang iyong pagpapantasya
Hindi ka na nakakatuwa
Ipapagulpi na kita sa gwardyang may batuta
AAaaaa...yay yay yah.......

Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo ay sabik sa iyo ang lahat nang kalalakihan
Sorry, pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento

Chorus:
Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champurado
Di kami naaakit sa labi mong garabucho...
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

Siguro nga naman ay may mga mas pangit pa sa 'yo
Pero at least hindi sila nagpapakyut katulad mo
Nakaka-bad-trip ka, nakakairita tuwing kita'y nakikita
Di ko alam ba't ang laki ng ulo mo
Mag-ingat-ingat ka, baka ikaw ay sagasaan ko

Refrain:
Di kami na-tuturn on sa kutis mong kulay champurado
Di kami naaakit sa labi mong garabucho...
O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama

O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan
Na ganyan ka 'pinanganak
Wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda
Kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama
AAaaaa...yay yay.....

Picha Pie

Picha Pie lyrics - Parokya Ni Edgar




at first i was afraid to eat a picha pie
kept thinking this is not a good
this is a picha pie
and i spent o so many nights
just eating my tortang talong
and i grew strong
because of my tortang talong

biglang may box, from outer space
nakita ko sabay kinuha ko
yung box from outer space
binuskan ko at nasindak
may picha pie sobrang laki!
tinikman ko within 5 seconds,
naubos ko parang mani!

ngayon ako, ay ganito
kung 'di ka picha hut o sheki's
you're not welcome, ina mo!
ngayong sa akin picha pie
ayoko nang mahiwalay
para sa 'yo, handa ko magpakamatay

cos now I love my picha pie
as long as i eat picha pie i know i'll be alive
i want all my garlic beef
pepperoni, double cheese
ang picha pie... o picha pie.... penge!

you took all the cash I have, naubos nang lahat
gusto ko pa ng picha pie
ngunit ang pera'y di sapat
and so I spent so many nights
just feeling sorry for myself
it made me cry, wala na ba akong picha pie?
ngayon ako ay nagipit!
hindi na ako istupid person na hindi nag-iisip
medyo mahal ang picha pie
you can't expect it to be free
that's why I'm saving all my money
para mayroong pambili

[look, it's not 'picha pie', it's 'pizza pie!]
(huh? picha pie!)
[no no no, say it like this 'pi-zza pie!]
(pi-cha pie)
[pi-]
(pi-)
[zza!]
(cha!)
[pizza!]
(picha!)
[nononono, nonono]

Maniwala Ka Sana

Maniwala Ka Sana lyrics - Parokya Ni Edgar




nung una kitang makilala di man lang kita napuna,
di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?
simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa 'yo.
di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!
ako'y napaisip at biglang napatingin,
di ko malaman kung anong dapat gawin!
dahan-dahan nag-iba ang pagtingin ko sa 'yo,
gumanda ka bigla at ang mga kilos mo'y nakakapanibago!
napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.
badtrip talaga! naiin-lab ako sa 'yo!
tuwing kita'y nakikita ako ay napapangiti,
para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!

CHORUS
minamahal kita! ba't di ka maniwala?!
anong kailangan kong gawin upang seryosohin mo
ang aking sinasabi tungkol sa pag-ibig ko sa 'yo?
maniwala ka sana, minamahal kita!

nasira na yata ang ulo ko, kaiisip ko sa 'yo
kahit saan tumingin ay mukha mo ang nakikita ko!
pero bakit para kang naiilang, ako ay iyong iniiwasan?
ako'y nahihirapan, oy! wala namang ganyanan!
pakiramdam ko ngayon ako ay nagmumukhang gago!
ngayon ako'y nagsisisi kung bakit ako nag "i love you"!!!
kasi di na tayo tulad ng dati
ngayon sa akin ay diring-diri!

(Repeat CHORUS twice)

Mang Jose

Mang Jose lyrics - Parokya Ni Edgar




Tuwing sasapit ang dilim
Naghahasik na ng lagim
Ang mga kaaway ng ating tagapagligtas
Lahat sila'y nagsisilabas
Pagsapit ng dilim
Wala kang makikita
Kundi ang kanilang mga mata
Na nakakatakot lalo na kung
Color yellow
Matatakot lahat kahit na mga multo

Refrain:
Tulong, tulong saklolo
Kailangan ko nang tulong mo...

Chorus:
Mang Jose, Mang Jose
Ang superhero na pwedeng arkilahin
Mang Jose parang si Daimos din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin
Mang Jose!!!

Repeat all

Tulong, tulong saklolo
Kailangan ko nang tulong mo...
Mang Jose, Mang Jose
Ang superhero na pwedeng arkilahin
Mang Jose parang si Daimos din
ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin
Mang Jose!!! Mang Jose!!!
Ang superhero na pwedeng arkilahin
Mang Jose parang si Daimos din
Ngunit pagkatapos ay bigla kang sisingilin
Mang Jo.... Chirichichiching!!

Inuman Na

Inuman Na lyrics - Parokya Ni Edgar




I
Magbukas ka pa ng tuna
at kukulangin ang isa
Maglabas ka pa ng baso
at tatagayan ko kayo

II
Pahingi naman ng yosi
at pa-abot ng pansindi
Maghanap ka na ng pwesto
akong bahala sa inyo

Chorus:
Tama na 'yan inuman na
Hoy pare koy tumagay ka
nananabik na lalamunan
naghihintay nag-aabang

III
May mag jo-joke sabay kampay
biglang inom sabay dighay
kwentuhan na walang saysay
tawanan na walang humpay

IV
Pang drinking marathon ang laban
tuloy-tuloy lang ang inuman
Medyo may amats na ako
O.K lang 'yan pareho tayo

(Repeat Chorus)

la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...
la la la la la la lasing...

Harana

Harana lyrics - Parokya Ni Edgar




uso pa ba ang harana
marahil ikaw ay nagtataka
sino ba 'tong mukhang gago
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintonado sa kaba
may'rong dalang mga rosas
suot nama’y ma-ong na kupas
at nar’yan pa ang barkada
naka-porma naka-barong
sa awiting daig pa ang minus one
at sing-along

puno ang langit ng bituwin
at kay lamig pa ng hangin
sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana
para sa'yo

di ba parang isang sine
isang pelikulang romantiko
di ba't ikaw ang bidang artista
at ako ang 'yong leading man
sa estoryang nagwawakas
sa pag-ibig na wagas

puno ang langit ng bituwin
at kay lamig pa ng hangin
sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana
para sa 'yo

Halaga

Halaga lyrics - Parokya Ni Edgar




I.
Umiiyak ka na naman
Langya talaga, wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

II.
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sa 'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman

III.
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo d'yan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka

Chorus:
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

IV.
Hindi na dapat pag-usapan pa
Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig

V.
Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo’y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba’t di mo makayanan na iwanan sya

VI.
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmamahal sa 'yo
At hinding hindi n'ya sasayangin ang pag-ibig mo

Repeat chorus

VII.
Minsan ay hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Repeat chorus

Gitara

Gitara lyrics - Parokya Ni Edgar




Bakit pa kailangan magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi na namang may sisingit
Sa twing' tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami naman ang
Mag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang

Chorus:

Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng.... gitara
Idadaan na lang.... sa gitara

Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang

(Repeat Chorus)

Pagbibigyan na lang silang
(Repeat Chorus till fade)

Buloy

Buloy lyrics - Parokya Ni Edgar




Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
noong tayo'y nagsasama?

Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
ang iyong mga sinabi nung ako'y may problema?

Sabi mo, "lahat ng problema'y kayang lampasan,
basta't tayo'y nagsasama, at nag-iinuman!"

Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
nung akoy' ma-"kick-out" kasi daw ako'y tanga? (TANGA!)

Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
nung ako ay mapalayas ng aking ama't ina?

Mangiyakngiyak na'ko pero sabi mo ay "Okay lang yan!
Basta't tayo'y nagsasama, at nag-iinuman!"

Kaya naman ako bilib sa iyo kasi parang napakatibay mo.
Lahat ng iharang ay kaya mong daanan
basta't mayroong bentang alak diyan sa may tindahan!

Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
nung araw na na-dedo ang aso mong si Morlock?

Hoy hoy, Buloy
Naaalala mo pa ba
nung ika'y tumawag sa'min at ika'y umiiyak...

Tapos (pagkatapos) no'n, kay tagal mong nawala.
Nagulat na lang ako nung marinig ko ang balita.
Akala ko pa naman na marunong kang magdala,
nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na...

Hoy Buloy
Nasaan ka man, siguradong kawawa ka, malamang walang alak d'yan
Hoy Buloy
Nasaan ka man, siguradong hindi ka namin malilimutan

Hoy Buloy Buloy Buloy
Hoy Buloy Buloy Buloy

Hoy hoy, Buloy
Para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi nung ikaw ay buhay pa...

Bagsakan

Bagsakan lyrics - Parokya Ni Edgar




KID:
Nandito na si chito
Si chito miranda
Nandito na si kiko
Si francis magalona
Nandito na si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito in 5 4 3 2...

GROUP:
Nandito na si chito
Si chito miranda
Nandito rin si kiko
Si francis magalona
Nandito rin si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito
Mauuna si chito!

CHITO:
Hindi ko alam kung ba't ako kasama dito
Sama sama sa mga pasabog nila kiko at ni gloc - astig patinikan ng bibig
Teka muna teka lang painom muna ng tubig
Shift sa segunda bago mapatumba
Dapat may maisip ka na rhyme na maganda
At madulas ang pagbigkas
At astig baka sakaling marinig
Ng libo libo na pilipinong nakikinig sa mga motibo ko
Hindi ka ba nagugulat sa mga naganap
Hindi ko din alam kung bakit ako sikat
Para bang panaginip na pinilit makamit
Talagang sinusulit ang pagiging makulit
Kailangan galingan hindi na kayang tapatan ang tugtugan ng parokya at ng aming samahan
Shit! panu to wala na 'ko masabi
Ngunit kailangan gumalaw ng mga labi kong ito
Kunyari nagbabakasakali
Na magaling din ako kaya nasali!

GROUP:
Natapos na si chito
Si chito miranda
Nandito na si kiko
Si francis magalona
Nandito rin si gloc 9
Wala syang apelyido
Magbabagsakan dito
Babanat na si kiko!

KIKO:
It aint an uzi or ingram
Triggers on the maximum
Not a 45 but 44 magnum
And it aint even a 357
Nor 12 gauge but your not so listen
Nandito na si kiko at kasama ko si chito at si gloc 9
And it's time to rock rhyme
Di 'ko mapigilan lumabas ang mga salita
Sa aking bibig hindi padadaig
Ang bunganga
Hala tumunganga
Lahat napapahanga sa talento
Ako'y taga kalentong
Batang mandaluyong na ngayun nakatira sa antipolo
Sumasaklolo sa mga hiphop
Pwede karerin o'
Pwede rin trip lang
Si gloc kasama ng parokya
Parang bulagaan at kelangan hindi mabokya
Hindi mo na kelangan pa malaman
Kung bakit pa
Kaming lahat ay nagsamasama
Mic check eto na nagsanib na ang pwersa
Francis magalona-gloc9-at-ang-parokya
1 2 3 4 lets VOLT IN!

GROUP:
Natapos na si chito
Si chito miranda
Tapos na rin si kiko
Si francis magalona
Nandito na si gloc 9

(GLOC9: ahhh mic check - mic check)

Wala syang apelyido

(GLOC9: naka-on na ba yung mic? )

Magbabagsakan dito
Kelangan ng magingat
At ang huling bagsakan
Si GLOC 9 ang babanat!

GLOC9:
Bato bato sa langit
Ang tamaanay huwag magalit
Bawal ang nakasimangot
Baka lalo kang pumangit
Pero okay lang
Hindi naman kami mga suplado
Sumabay ka sa amin na parang nkaeroplano
Sa tunog ng gitara
Kasama ng pinakamalupit na banda
Pati si kiko
Magaling di parin kayang tapatan
Parang awit na lagi mong binabalik balikan
Stop-rewind and play mo
Nakapakasaya na para bang birthday ko
Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin
Hindi na kelangan pang paikut-ikutin
Baka lalong matagalan lang
Lumapit at makinig na para iyong maintindihan
Mga salitang sinulat na hindi ko papel
Pero pwede ilatag
Na parang banig na higaan
Kapag hinawakan ang mikropono parang nabubuwang
Teka di naman siguro
Ganyan lang pag gumagawa kami ng bago
Medyo nabibilisan
Hindi mo naisip na pwedeng mangyari
Magkasamasama lahat ay kasali geh!

CHITO:
Ngayun lang narinig
Hindi na to' madadaig
Nagsamasama sa bagsakan
At naging isang bibig
Magingat-ingat ka nga at baka masindak
Sapagkat nandito na si chito at si kiko at si gloc!

SKIT:
I'm pedro basuraman
I live in the garbage can
I went through my auntie
And punit her pantie
I'm pedro basuraman!

Filipino Artists/Bands