Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Juan Dela Cruz Band. Show all posts

No Touch

No Touch lyrics - Juan Dela Cruz Band







Dead na dead talaga ako
Sa mga pakembot kembot mo
Kapag ikaw ay ngumingiti
Ako'y medyo nakikiliti

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi (Sige na... 2X)

Noon pa man ikaw na talaga
Ang pangarap ko sa tuwi-tuwina
Kailan kaya kita maiiskor
Kailan kaya kita maaarbor

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi (Sige na... 2X)

Pahipo naman (no touch), Pahawak naman (no touch)
Ba't di na kita ma-tiyansingan

Pag lumakad ka ika'y nakakatukso
Nakakabaliw ang bewang mo
Ako'y nadyadyaheng lumapit sa'yo
Masyadong klas ang mga porma mo

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi (Sige na... 2X)

Pahipo naman (no touch), Pahawak naman (no touch)
Ba't di na kita ma-tiyansingan

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi (Sige na... 2X)

Panahon

Panahon lyrics- Juan Dela Cruz Band





Masdan mo ang mga ulap
Balikan mo ang 'yong alaala
Mga araw na lumipas
Sa iyong buhay

Malalaman mo kung papaano
Liligaya sa buhay
Pagdating ng panahon
Pagdating ng panahon

Refrain
Naalala mo pa ba ang 'yong kahapon
Hinahanap mo ang landas
Mga pangarap gusto mong maabot
Ngunit ikaw ay natatakot

Malalaman mo kung papaano
Liligaya sa buhay
Pagdating ng panahon

Masdan mo ang mga ulap
Balikan mo ang 'yong alaala
Mga araw na lumipas
Sa iyong buhay
Malalaman mo kung papaano
Liligaya sa buhay
Pagdating ng panahon

(Repeat Refrain)

Malalaman mo kung papaano
Liligaya sa buhay
Pagdating ng panahon
Pagdating ng panahon
Pagdating ng panahon

Ang Himig Natin

Ang Himig Natin lyrics - Juan Dela Cruz Band and Mike Hanopol




Ako'y nag-iisa
At walang kasama
Di ko makita
Ang ating pag-asa

[Chorus:]

Ang himig natin
Ang inyong awitin
Upang tayo'y magsama-sama
Sa langit ng pag-asa

Ako'y may kaibigan
At s'ya'y nahihirapan
Handa na ba kayong lahat
Upang s'ya'y tulungan

[Chorus:]
Ang himig natin
Ang inyong awitin
Upang tayo'y magsama-sama
Sa langit ng pag-asa

[Chorus:]
Ang himig natin
Inyong awitin
Ang himig natin
Inyong awitin
Ang himig natin
Inyong awitin ...

Beep Beep

Beep Beep lyrics - Juan Dela Cruz Band






INTRO
Beep beep beep beep
Sabi ng tsuper ng jeep
Beep beep beep beep
Tabi kayo’t baka kayo’y maipit

CHORUS
Sakay na kayo
Kahit hanggang kanto
Ang buhay ng tsuper
Ay ‘di gawang biro

Yeah

INTERLUDE

Beep beep beep beep
Dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep beep beep
Dalian n’yo, hindi pa ako nananghalian

[Repeat CHORUS]

Woh
Naku, hirap naman maging drayber buong hapon
Ang init pa
Hay naku, kelangan pa ‘kong pumila
Para ako’y makapang-miryenda, ha ha ha

AD LIB

Hoy

Beep beep beep beep
Oras na ng relyebo
Beep beep beep beep beep
Naghihintay na ang pamilya ko

[Repeat CHORUS 2x]

Sakay, sakay na kayo
Ah, kahit hanggang kanto lang
Ang buhay ng tsuper
Ay ‘di gawang biro, hey
Hoy, sakay na kayo
Ngunit mag-iingat kayo
Woh hey
Hoy [7x till fade]

Balong Malalim

Balong Malalim lyrics - Juan Dela Cruz Band




Gusto n'yang mag-swimming
Sa balong malalim
Hindi naman pupuwede
Sapagka't madilim
Ngunit kung may ilaw
Akala mo'y langaw

Gusto pang kumain
Kumain nang kumain
Di naman nabubusog
'di n'ya naisip
'yun ang hindi sa akin

Sige pa nang sige
Kahit na dumudumi
Ang isipan ng tao
O dito sa mundong ito
Wala na bang remedyo
Ang ating mga ulo?

O wala bang remedyo
Ang ating mga ulo?
O wala na bang remedyo
Ang ating mga ulo?

Filipino Artists/Bands