Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Awit Para Sa Ina. Show all posts

Inay

Inay lyrics - Jesuit Music Ministry performed by Fr. RB Hizon

 


Sa mahinahong paalam ng araw 
Sa pag-ihip ng hanging kahapunan 
Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig sa dapit-hapong kay lamig 
Mga bituin kay agang magsigising! 
Umaandap, mapaglaro man din 
Iyong ngiti'y hatid nila sa akin 
Sa diwa ko't panalangin 
Puso ko'y pahimlayin, Inay upang yaring hamog ng gabing tiwasay 
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak 
Ay! Irog kong Inay! 
Sa palad mo itago aking palad 
Aking bakas, sa inyong bakas ilapat 
At iuwi sa tahanan kong dapat 
Sa piling ng inyong Anak 
Puso ko'y pahimlayin, Inay upang yaring hamog ng gabing tiwasay 
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak 
Ay! Irog kong Inay! 
Puso ko'y pahimlayin, Inay upang yaring hamog ng gabing tiwasay 
Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak 
Ay! Irog ko O Ina kong mahal! Ay! Irog kong Inay!

Tanging Ina Nyo

Tanging Ina Nyo lyrics - Ai-Ai delas Alas





Hindi ko maintindihan kung ba’t sila ganyan
Minsan kami ang nakikita’t pinag-uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tanging aming yaman

Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Gay impersonator ang naging trabaho ko

Refrain 1:
Kay hirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang ‘yong pasensya
Pero kahit andyan ang problema
Para sa anak, lahat ay kayang-kaya
Dahil ako ang…

Chorus 1:
Tanging ina n’yo
Na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Tanging ina n’yo
Ang nag-aalalaga, namamalantsa ng mga damit n’yo
Nagpapaligo habang nagluluto ako
Nagpapakain, nag-aalalaga sa inyo

Kinabukasan n’yo ang laging iniisip ko
Ang mapag-aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay, isda at sago
Chicaron at balot ay gagawin ko

At kahit na marami sa ‘ting umaalipusta
Sabihin man nilang lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko’y pantay-pantay ang nadarama
Bilang mga anak dahil ako ang inyong ina

Refrain 2:
Kay hirap talaga kapag nag-iisa
Responsibilidad mo’y ‘di basta-basta
Kuryente, tubig, bayad sa kasera
Kung may sobra, may baon sa eskwela
Dahil ako ang…

Chorus 2:
Tanging ina n’yo
Ang tumatayo bilang nanay at tatay n’yo
Tanging ina n’yo
Na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan ‘pag ‘di naibigay ang gusto n’yong mga kailangan

Tanging ina n’yo
Na handang magtanggol ‘pag inaapi kayo
Tanging ina n’yo
Na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Anu man ang mangyari, nandirito ako hanggang huli

Tanging ina n’yo
Tanging ina n’yo
Tanging ina n’yo ako
Tanging ina n’yo

Aking Ina

Aking Ina lyrics - Remi Theme






aking ina
mahal kong ina
pagmamahal mo aking ina
yakap mo sa akin
hinahanap ko
init ng pag-ibig....
kumot ng bunso....

sa gitna... ng pagkakahimbing
yakap mo ang gigising....

aking ina
mahal kong ina
pagmamahal mo aking ina
yakap mo sa akin
hinahanap ko
init ng pag-ibig....
kumot ng bunso....

sa gitna... ng pagkakahimbing
yakap mo ang gigising....

Salamat Sa 'Yo Ina

Salamat Sa 'Yo Ina lyrics - Ronnie Liang




Di ko man madalas sabihin
kung gaano ka kahalaga sa akin
simula pa nang ako'y isinilang
sa mundo pagmamahal mo
sandigan ko gabay sa buhay ko

(chorus)

salamat sa iyo aking ina
sa tuwing ako'y nalulumbay
kapiling ka
salamat sa 'yo aking ina
dalangin ko sa maykapal
na pag-ingatan ka
salamat sa 'yo ina

di mo man mapansin na mahal kita
sana ay sa pamamaraan ko iyo'y madama
sa bawat sandali ng buhay ko
pag-asa at pagmamahal sa akin inalay mo

(chorus)

salamat sa iyo aking ina
sa tuwing ako'y nalulumbay
kapiling ka
salamat sa 'yo aking ina
dalangin ko sa maykapal
na pag-ingatan ka

(chorus)

salamat sa 'yo aking ina
wag mag-alala aalagaan ka
salamat sa 'yo oooh aking ina
dalangin ko sa maykapal na
pag-ingatan ka salamat sa 'yo aking ina haaaah!

Ina

Ina lyrics - Freddie Aguilar





Siya ang iyong ina
Na sa 'yo'y nagsilang
Siya ang 'yong ina
Na sa 'yo'y nagmahal

Magmula nung bata ka
Ay 'di ka niya binayaan
Lagi siya sa 'yong tabi
'Di humihiwalay sa 'yong piling

CHORUS
Siya ang 'yong ina
Na sa 'yo'y nagmahal

Siya ang 'yong ina
Na ngayo'y lumuluha
Siya ang 'yong ina
Ano ang iyong ginawa

Labis mong sinaktan
Ang kaniyang damdamin
'Di mo man lang pinansin
Ang kanyang mga bilin

[Repeat CHORUS 4x]

Awit Kay Inay

Awit Kay Inay lyrics - Carol Banawa





May hihigit pa ba sa isang katulad mo
Inang mapagmahal na totoo
Lahat nang buti ay naroon sa puso
Buhay man ay handang ialay mo
Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito ay alay ko sa 'yo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa, ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

Lahat ibibigay lahat gagawin mo
Ganyan lagi ikaw sa anak mo
Lahat nang buti n'ya ang laging hangad mo
Patawad ay lagi sa puso mo....

Walang inang matitiis ang isang anak
Ika'y dakila at higit ka sa lahat

Ang awit na ito
Ay alay ko sa 'yo
Ang himig at titik ay pag-ibig sa puso ko
Ika'y nag-iisa ikaw lang sa mundo
Ang may pusong wagas ganyan ang tulad mo

Patawad Inay

Patawad Inay lyrics - JC Sacramento



Heto ako ngayon at nasa harap niyo at lumuluhod
Para bang naligaw ng landas sa ngayon nagbabalik-loob
Kahit na pumikit ang mata, pilit na luha ko’y pumapatak
Kahit dugo man ang umagos hindi pa sasapat

Sa mga pagkukulang ko sa magulang ko, kahit ng sila ginugulang ko
Natutunan ko sa paggising ko, wala mga mahal sa buhay ko
Akala ko naman di ko na sila kailangan, pagdating ng panahong mangailangan
Di man lang nag-alinlangan na mag-isip para sa kinabukasan

Sa mga sinayang ko na panahon, abala sa pagiging ’sang maton
Tingnan mo naman sana ako ngayon,buhay ito ng isang patapon
Ang mag payo mo sakin noon, di ko na sana ito binaon
Kung kayang ibalik ang panahon nakinig na sana sa’yo noon

(Chorus)
Oh… Tanging nais ko’y mapatawad mo
Sa nagawang kasalanan ko
Tanging nais ko’y ang mayakap mo
At sabihin mong mahal mo ako…

Verse 2


Ang mag plano mo saki’y lumabo, tiwala mo saki’y naglaho
Ang mga daliri nila sakin ay parang lagi na lang nakaturo
Hindi na’ko makatayo, Ang ulo ko’y laging nakayuko
Parang gusto kong sumuko di alam kung san patungo

Kaya parang di ko na makaya bawat oras na parang wala na akong pag-asa
Bawat sandaling hinahagilap ang ngiti sa bawat pagsapit ng umaga
Damdaming nagbabaga, lungkot at pagdurusa
Hanggang sa panaginip ay larawan ko ng pagkakamali ang nakikita

Nang humawak na ako ng baril, hanggang sa kami’y madiskaril
Ako’y naging sutil dahil lamang sa barya at papel
Tawag nila sakin ay kriminal, ang turing sakin nila’y pusakal
Patawarin mo sana ko inay, kung nadungisan ang ating dangal

(Chorus)

Oh… Tanging nais ko’y mapatawad mo
Sa nagawang kasalanan ko
Tanging nais ko’y ang mayakap mo
At sabihin mong mahal mo ako…
(REPEAT)


Verse 3

At sa ngayon iyong maririnig Mga daing na mula saking bibig
Hawak ang rehas na malamig, sa gabi katawa’y nanginig
Parang ibon na di makalipad, mga pangarap na di natupad
Lahat ng bagay hinangad,kabaitang aking sinagad

Kung kelan nagkasentensya, saka lang nakonsensya
Sa lahat nadisgrasya, nasabi ko lang ay pasensya
Kumapal na ang mukha, tumayo ‘pag nadapa
Takot sa puso ko’y nawala, kung madilim subukang mangapa

Ngunit ngayon, walang magawa kundi sa langit ay laging tumingala
Sinubukan ko na maniwalang baka sakali na merong himala
Hawak ang libro ng mga banal, pinilit ko na laging magdasal
Paulit-ulit hanggang mautal, sabihin man na ako ay hangal

(Chorus)
Oh… Tanging nais ko’y mapatawad mo
Sa nagawang kasalanan ko
Tanging nais ko’y ang mayakap mo
At sabihin mong mahal mo ako…
(REPEAT)

Nanay Mo Lang

Nanay Mo Lang lyrics - Florante





Sampung asawa libong kaibigan makakakita sa mundo
ngunit subukin ang katapatan, ilan ang tunay at totoo.
Iyong bilangin ang handang magdusa at magpakasakit para sa iyo.
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiis sa iyo.

Kahit maraming kamag-anakan huwag mong asahang dadamay sa 'yo.
Sa kagipitan ang siguradong unang tutulong ay ang nanay mo.
Iyong bilangin ang handang sumama sa kasukdulan ng problema mo.
Walang maaring pumantay sa iyong nanay,
nanay mo lang ang magtitiyaga sa iyo.

Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang ang laging kakampi sa iyo.
Nanay mo lamang, nanay mo lamang
Nanay mo lang na nagluwal sa iyo.

Kung pipiliin tatay o nanay, sino ang nagpakahirap ng husto.
Huwag mong sabihin na patas lamang dahil parehong nagmamahal sa 'yo
Iyong bilangin ang mga lalaking nakahanda na magdalangtao
Walang maaring pumantay sa iyong nanay
Nanay mo lamang, nanay mo lamang,
nanay mo lamang, nanay mo lamang

Tanging ina mo, tanging ina mo
tanging ina mo, tanging ina mo
Tanging ina mo, tanging ina n'yo
tanging ina n'yo

Sa Iyong Kamay Inay

Sa Iyong Kamay Inay lyrics - Sarah Geronimo





anong halaga ng iyong kamay inay
nadaramang pag-ibig na walang kapantay
alam kong di mo ako pababayaan
araw araw ikaw ay laging nandyan

maraming salamat sayo inay
pagkalinga mo ay walang kapantay
maraming salamat sayo inay
lubos ang ligaya at pasasalamat
na akoy alaga sa'yong mga kamay,,
sa'yong mga kamay....

di mo pansin ang 'yong pagod
sa akin ay laging naglilingkod
kahit anong hirap ay haharapin mo
upang maghapon ay maginhawa ako

maraming salamat sayo inay
pagkalinga mo ay walang kapantay
maraming salamat sayo ina
lubos ang ligaya at pasasalamat
na akoy alaga sa'yong mga kamay

mula pa noon at hanggang ngayon
walang kupas na pagmamahal
ang alay mo

maraming salamat sayo inay
pagkalinga mo ay walang kapantay
maraming salamat sayo ina
lubos ang ligaya at pasasalamat
na akoy alaga sa'yong mga kamay
sa'yong kamay ina.......

Sa Ugoy Ng Duyan

Sa Ugoy Ng Duyan lyrics - Lea Salonga






Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni Nanay
Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing

Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin
Sa piling ni Nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, Inay
Oh! Inay

Filipino Artists/Bands