Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Imelda Papin. Show all posts

Sa Mata Makikita

Sa Mata Makikita lyrics - Imelda Papin




Kailangan pa bang ako ay tanungin
Kailangan pa bang sa 'yo ay bigkasin
Na mahal kita at wala nang iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata

Kailangan pa bang ako ay lumapit
At sabihin sa 'yo ang laman ng dibdib
Na mahal kita at wala nang iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata

Chorus
Hindi na kailangang ako ay tanungin
Hindi na kailangang sa 'yo ay bigkasin
Sa tuwing magtatama ang ating paningin
Sa mata makikita ang aking damdamin

(Repeat Chorus)

Kailangan pa bang ako ay tanungin
Kailangan pa bang sa 'yo ay bigkasin
Na mahal kita at wala nang iba
Masdan mo't makikita sa aking mga mata
Masdan mo't makikita sa aking mga mata
Masdan mo't makikita sa aking mga mata

Isang Linggong Pag-ibig

Isang Linggong Pag-ibig lyrics - Imelda Papin




Lunes
Nang tayo'y magkakilala
Martes
Nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules
Nagtapat ka ng yong pag-ibig
Huwebes
Ay inibig din kita
Biyernes
Ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado
Tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan

Refrain:
O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising

O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat

(Repeat All)

Refrain:
O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising

O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat

Hindi Ako Laruan

Hindi Ako Laruan lyrics - Imelda Papin




Hindi ako isang laruan
Na kung ayaw mo na’y iyong papalitan
Matapos angkinin pag-ibig ko’t dangal
Iniwan mo akong may dusa’t luhaan

Pangako mo’y walang natupad
Pagka’t pag-ibig mo pala sa aki’y huwad
Bigo ang puso ko sa yo’y naghahangad
O kay sakit naman sinapit nyaring palad

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako’y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan

Batid ng lahat na kita ay mahal
Kaya’t naibigay sa iyo ang puso ko’t dangal
Akala ko noon pag-ibig mo’y tunay
Kunwari lang pala ang 'yong pagmamahal

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako’y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan

Hindi ako laruan na iyong iiwan
Matapos angkinin at pagsawaan
Ako’y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan

Ako’y may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin ako puso'y nasusugatan

Bakit ? (Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba)

Bakit ? (Kung Liligaya Ka Sa Piling Ng Iba) lyrics - Imelda Papin




Simulat-sapul, mahal kita nalalaman mo
Walang-wala sa loob ko na iiwanan mo
Buong akala ko'y hanggang wakas
Bakit biglang nagbago?
Balatkayo lamang pala
Naniwala naman ako

Chorus
Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo
Ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa'y minahal mo ako

May bakas ka bang nakikita sa aking mukha?
Masdan mo ang aking mata, mayro'n bang luha
May hinanakit ba ako sa 'yo
Sa palagay ko'y wala
Ginusto mong magkawalay
Wala akong magagawa

(Repeat Chorus)

(Repeat I)

(Repeat Chorus 3x, fade)

Filipino Artists/Bands