Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Joey Abando. Show all posts

Kamag-aral

Kamag-aral lyrics - Joey Abando




Nagkakilala sa unang pasukan
Magkatabi pa tayo ng upuan
Pag di natin alam ang pinag-aaralan
Tayong dalawa'y nagtatanungan

Lumipas ang ilang araw
'Sang buwan ang nagdaan
Hindi ko napigilan na ika'y pagtapatan
Hanggang sa tanggapin mo
Ang samo ng pag-ibig ko
Anong ligaya ang nadama ko, woh woh

Chorus
Minamahal kita ng labis, o sinta
Pagkat ikaw lang ang tanging inibig ko
Tunay at tapat ang pag-ibig ko sa iyo
Minamahal kita nang higit pa sa buhay ko

Iniingatan kong magkagalit tayo
Baka ramdamin mo kung magkamali ako
Ayokong-ayoko na ika'y nagtatampo
Pagkat nasasaktan ang puso ko

Chorus
Minamahal kita ng labis, o sinta
Pagkat ikaw lang ang tanging inibig ko
Tunay at tapat ang pag-ibig ko sa iyo
Minamahal kita nang higit pa sa buhay ko

(Repeat Chorus except last word)

... ko, oh woh oh

Phonepal

Phonepal lyrics - Joey Abando




Minsan ako'y nag-iisa
Wala akong ginagawa
Naisipan kong tumawag sa telepono
Ikaw ang nakausap ko
Tsambang number ang dial ko
Di ko inaasahan na sasagutin mo ako

Pangalan ko'y nalaman mo
Pangalan mo'y nalaman ko
Nagkausap tayo ng husto
Ako'y binola-bola mo
Binola-bola rin kita
Hanggang sa tayo'y magkakilala

At ng minsan, isang araw
Ako'y tumawag na muli
Ngunit hindi ikaw ang nakausap ko
Di ko nakuhang ngumiti
Pagkat ang tawag ko'y sawi
Bakit ako'y nasasaktan ng ganito

Refrain
Ano ka ba sa buhay ko
Nasasabik ako sa 'yo
Na makita ang tunay na larawan mo
Kung ito'y pag-ibig na
Ang tangi kong hinihiling
Ay masilayan ka't makapiling

Chorus
Damdamin ko'y ibang-iba sa 'yo, ka-phonepal
Tunay nga kayang ako'y nagmamahal
Bakit di mawalay sa isip ko
Ang tinig ng boses mo
Oh phonepal ko, sino ka sa buhay ko

(Adlib)

(Repeat Refrain)

(Repeat Chorus)

Filipino Artists/Bands