Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Wency Cornejo. Show all posts

Walang Hanggan

Walang Hanggan lyrics - Wency Cornejo & Cookie Chua
(One Liter of Tears (GMA-7) - TV Soundtrack)





Aanhin ko pa ang lahat ng bukas
Na darating sa buhay ko
Kung hindi ikaw ang makakasama
Sa pag-ikot ng mundo
Mawawalan ng saysay ang bawat bukas
Kung ang puso'y magwawakas

Koro:
Walang hanggan
Ako'y sa iyo
Maging ang buhay kong ito
Sa iyo lamang ilalaan
Walang hanggan

Aanhin ko pa ang lahat ng yaman
Na dadaan sa palad ko
Kung hindi ikaw ang makakahati
Sa bawat makakamtan ko
Dinggin mo ang aking pagsamo
Narito ako'y nangangako

(Repeat Koro)

Bawat bukas ng aking buhay
Ay ibibigay sa iyo
Bawat oras ng bawat araw
Bawat ikot ng mundo

(Repeat Koro)

Walang hanggan
Walang hanggan...

Hanggang

Hanggang lyrics - Wency Cornejo




Ilang ulit mo bang, itinatanong sa 'kin
kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
hanggang kailan magtatagal,
ang aking pagmamahal,

hanggang may himig pa akong naririnig,
dito sa aking daigdig
hanggang may musika akong tinataglay,
kita'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin,
di ko magagawang
lumayo sa'yong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal

hanggang ang diwa ko'y
tanging sa'yo laan
mamahalin kailanman
hanggang pag-ibig ko'y
hanggang walang hanggan
tanging ikaw lamang

hanggang may himig pa akong naririnig
dito sa aking daigdig
hanggang may musika akong tinataglay
ika'y iniibig
giliw wag mo sanang isiping
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang
lumayo sa'yong piling
at nais kong malaman mo
kung gaano kita kamahal

hanggang may puso akong
marunong magmahal
na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
hanggang saan hanggang kailan
hanggang kailan kita mahal
hanggang ang buhay ko'y
kunin ng maykapal

giliw wag mo sanang isipin
ikaw ay aking lilisanin
di ko magagawang
lumayo sa'yong piling
hanggang may pag-ibig
laging isisigaw, tanging ikaw
hanggang may pag-ibig
laging isisigaw, tanging ikaw

Magpakailanman

Magpakailanman lyrics - Wency Cornejo




di mag wawakas hanggang sa dulo ng mundo
ang kalinga ko'y asahan mo
kahit pa anong landas ay tatahakin ko
upang tayo'y di magkalayo

sana'y laging kapiling
yan ang aking dalangin

chorus:
magpakailanman hindi magbabago
ang sinisigaw nitong aking puso
magpakailanman, magpakailanman...

sa tuwing kinakailangan mo'y narito ako
handang dumamay sa iyong lungkot
habang buhay ay hinding-hindi maglalaho
ang himig natin ay aawitin ko

sana ay pakinggan
tayo ay walang hanggan

(repeat chorus)

narito ang tinig ko
tumatawag sa'yo
sana ay buksan ang iyong puso

magpakailanman hindi magbabago
ang sinisigaw nitong aking puso
magpakailanman, magpakailanman
magpakailanman...

Habang May Buhay

Habang May Buhay lyrics - Wency Cornejo




Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko

Chorus
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay.

At kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo
Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko

Repeat chorus

Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko'y sa 'yo.

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay. (2x)

Filipino Artists/Bands