Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Nora Aunor. Show all posts

Kahit Konting Awa

Lyrics of Kahit Konting Awa - Nora Aunor (The Flor Contemplacion Story)





Bakit ba ang naging wakas ng buhay ko'y ito
Maling hindi ko nagawa "bakit nga ba ako?"
Kamatayan lang katumbas sa salang 'di ako
"Katarunga'y bakit ba ganito?"

Kayrami ng katulad kong nasa ibang bansa
Inaapi sinasaktan kasama'y laging luha
Marahil nga ay 'di kami ang tanging pinagpala
Nang maylalang dito sa balat ng lupa

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit...na konting awa

Mayro'n pa bang naghihintay sa mga katulad ko
Mayro'n pa bang pag-asa na lumigaya sa mundo
Sana'y wag nang maulit ang isang katulad ko
Ang sala ng iba'y tinubos ko

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit...na konting awa

Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit...na konting awa

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit...na konting awa

Sitsiritsit

Sitsiritsit lyrics - Nora Aunor




Sitsirit, alibangbang
Salaginto't salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang!

Santo Nino sa Pandacan,
Puto seko sa tindahan,
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.

Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata,
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong,
Pasukubin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit ng bagoong.

Filipino Artists/Bands