Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko

Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko lyrics - ABS-CBN Christmas Station ID 2013








Bawat Pasko’y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito’y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Ano mang lungkot, tayo’y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa’t isa’y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo’y magaganap

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Kahit sino ka man, may nagmamahal sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

wo-oh wo-oh-oh
wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko

Mga alaala sa Pasko’y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
O, umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Kahit sino ka man, may nagmamahal sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Bridge:
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Filipino Artists/Bands