Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Malayo Pa Ang Umaga

Malayo Pa Ang Umaga lyrics - Rey Valera




Malayo pa ang umaga,
kahit sa dilim naghihintay pa rin
umaasang bukas ay may liwanang
sa aking buhay umaga ko'y aking hinihintay.

Sadya kayang ang buhay sa mundo
ay kay pait, walang kasing lupit
kailan kaya ako'y 'di na luluha?
at ang aking pangarap
ay unti-unting matutupad.

Refrain:
Malayo pa ang umaga, 'di matanaw ang pag-asa
hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko?
at sa dilim hinahanap
ang pag-asa na walang landas
kailan ba darating ang bukas para sa 'kin?

(Repeat Refrain)

Malayo pa ang umaga

Filipino Artists/Bands