Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Guro

Guro lyrics - Bayang Barrios




Alas kwatro ng umaga ay gising ka na
Habang ang mundo tulad ng iba ay tahimik na
Alam mong sa puso mo'y maraming naghihintay
Kapag sumikat na ang araw ay nariyan ka na, Guro

Pagod ay nawawala sa 'yong mga mata
Makita mo lang na kaming lahat ay masaya
Sa mga munting labi may ngiti ng pag-asa
Dahil sa iyo, kami ay namulat sa buhay, Guro

Guro, Guro, itinuro mo ang ganda ng buhay
Sa aking kamalayan, ikaw ang tunay kong gabay
Sa buhay, na makulay, Guro..

Ngayon ay nakita mo ang bunga ng iyong tagumpay
Silang dati paslit na inakay mong mangarap
Salamat sa lahat ng naidulot mo
Nariyan ka lang, nariyan ka pa rin o aking Guro

Guro, Guro, itinuro mo ang ganda ng buhay
Sa aking kamalayan, ikaw ang tunay kong gabay
Sa buhay, na makulay

Guro, Guro, itinuro mo ang ganda ng buhay
Sa aking kamalayan, ikaw ang tunay kong gabay
Sa buhay, na makulay, Guro..

Nariyan ka lang, nariyan ka pa rin
Guro...

Filipino Artists/Bands