Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Awit Para Sa Kalikasan

Awit Para Sa Kalikasan lyrics
Adapted from Awit ng Maralita
Sung by Christine Joy Razon
Lyrics by Fraimee Tan, Emy Aricheta and Fr. Cielo R. Almazan, OFM



Tingnan mo, kaibigan, ang kalikasan
Mga bundok at dagat ay iyong pagmasdan.
Pawang paninira ang iyong makikita
at pagyurak sa kanilang ganda.

Ikaw na Pilipino, ano ang gagawin mo
Upang matigil ang paninirang ito?
Huwag ipagwalang bahala ang Inang Kalikasan.
pagkat ito'y ating kinabukasan.

Gumising ka, kaibigan, at iyong ipaglaban
Karapatan ng Inang Kalikasan.
Pigilan ang mga ganid na hayagang
Gumagahasa sa kabundukan.

Kilos, mga kababayan, para sa kalikasan
Ating itaguyod ang paglago nito
Huwag lasunin ang lupa, ang ilog at dagat
At ang hangin na ating nilalanghap.

Pagbuklurin, isigaw ang adhikai't damdamin.
Kalikasa'y ipagtanggol, katumbas man ay buhay.
Mabuwal man ang isa'y may uusbong pang iba
Ipaglaban ang Inang Kalikasan.
Ipaglaban ang Inang Kalikasan.

Filipino Artists/Bands