Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Awit Kay Kleyr

Awit Kay Kleyr lyrics - Butch Charvet



Araw ko’y papanglaw
Kung ‘di ka matatanaw
Kahit saglit man lang ika’y masilayan

Sa’yo nga’y naghihintay
Sa pag-ibig mo hihimlay
Ang Diyos ang Siyang pinagmulan
Ating pagmamahalan

Koro:
Kahit pa magtatagal ako’y maghihintay
Kahit ulitin pang muli ang panahon na nagdaan
‘Di ako mapapagal, ‘di malulumbay
Aking tutunghayan and bawat oras man
Alam ng Maykapal

Puso’y ‘wag mangangamba
Pagkat wala na ngang iba
At ako’y nakapako na
Sa’yo lamang aking sinta

At nais kong malaman mong
Hindi ako mahihiyang
Ipagsigawan sa mundong
Mahal na mahal kita

Filipino Artists/Bands