Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Noel Cabangon. Show all posts

Kayod Kabayo Kayod Barya

Kayod Kabayo Kayod Barya lyrics - Noel Cabangon





Ako’y naglalakad, naglalako maghapon
Suot-suot pa ang butas na pantalon
Kahit saan kung sa’n ako pumaroon
Mga paa’y walang hinto sa pagsulong

Sa Rotonda, Espanya’t Morayta
Dito ang tinda at benta ay pwede na
Ibig ko lang naman ay konting barya
Malamnam lang ang gutom na sikmura

Kayod kabayo, kayod barya
Habol hininga, habol pera
Kayod kabayo, kayod barya
Habol hininga, habol pera

Ako’y naglalakad, naglalako magdamag
Kung saan-saan na ako napadpad
Mga paa’y tuloy-tuloy sa paglalakad
Kayod nang kayod kahit na hinihiikab

Sa Malate, Timog, Ermita
Dito, kahit car-wash ay pinasok ko na
Simple lang kailangang kumita
Malamnan lang ang gutom na sikmura

Kanlungan

Kanlungan lyrics - Noel Cabangon





 
Chorus:
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Refrain 1:
Ang mga puno’t halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

[Repeat Chorus]

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Refrain 2:
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno’t halaman
Bakit kailangang lumisan?
[Repeat Chorus]
[Repeat Refrain 2]
[Repeat Chorus]

Filipino Artists/Bands