Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Roel Cortez. Show all posts

Napakasakit Kuya Eddie

Napakasakit Kuya Eddie lyrics - Roel Cortez




Ako’y naririto nagbabanat ng buto
Sa mainit na siyudad sa bansa ng Arabyano
Anong hirap talaga ang kumita ng pera
Kakapal ang ‘yong kamay masusunog pa ang kulay

Sa aking pagtulog ang daming iniisip
Bumilis na ang araw upang ako’y makabalik
Itinigil ang bisyo alak, sugal, sigarilyo
Upang makaipon, magtitiis na lang ako…

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin…

At ako ay natuwa sumulat ang aking anak
Ako ay nabigla at agad ay lumuha
Itay, umuwi ka, dalian mo lang sana
Si inay ay may iba nagtataksil sa ‘yo ama…

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin…

At ako ay umuwi, gabi na nang dumating
Ang dal’wa kong anak sa malayo nakatingin
Mata’y namumula, halos nakapikit na
Ang kanilang kamay may hawak na marijuana

Ngunit ang masakit, ako’y nagtataka
Dalawa naming anak, bakit ngayon ay tatlo na?
Mahal kong asawa may kasama na s’yang iba
Anong lupit naman, dala pa ang aking pera…

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin

Napakasakit, Kuya Eddie
Ang sinapit ng aking buhay
Napakasakit, Kuya Eddie
Sabihin mo kung ano ang gagawin…

Baleleng

Baleleng lyrics - Roel Cortez





Tulad mo, Baleleng, ang isang mutya
(Oh) Perlas na kay ningning, anong ganda
Tulad mo’y bituin sa kalangitan
Tulad mo ay gintong kumikinang

At ako, Baleleng, ay isang dukha
Langit kang ‘di abot, ako’y lupa
At sa ‘yo’y nagmahal nang wagas
Kahit magkaiba ang ating landas

Kung ikaw, Baleleng, ang mawala
Kung ikaw, Baleleng, ‘di na makita
Puso ko sa iyo’y maghihintay
‘Pagkat mahal na mahal kitang tunay

Filipino Artists/Bands