Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified
Showing posts with label Bamboo. Show all posts

Ikot Ng Mundo

Ikot Ng Mundo lyrics - Bamboo





Pagkatapos ng lahat, tumatakbo pa rin, ilang oras na lang
sumusunod sa sayaw ng buwan, pumikit ka lang, ako'y mawawala, di mo ba makita
ikaw lang masasaktan, di mo ba makita, wala ka na bang nararamdaman

tuloy ang ikot ng mundo (3x)

nasaan, nandito lang, lumalayo, handang tanggapin ang walang pagtigil na pagbuhos sa dumarating na misteryo, nasa dulo ng pagbangon, nasaan, kung meron man simpleng sagot, ako'y susuko, sa pag-ikot ng mundo

pagkatapos ng lahat, tumatakbo pa rin, ilang oras na lang, sumusunod sa sayaw ng buwan, pumikit ka lang, ako'y mawawala, bagong buhay, bagong araw, padilim ng padilim ang ligayang bumitaw, humihirit di na kailangan, salubungin natin ipagdiwang itong katapusan

tuloy ang ikot ng mundo (3x)

Tatsulok

Tatsulok lyrics - Bamboo




Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi
Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito

[Refrain]
Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman

[Chorus]
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo

Iligtas ang hininga ng kay raming mga tao
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok

[repeat Refrain and Chorus]

[repeat Refrain and Chorus]

[repeat Chorus]


Di matatapos itong gulo

Noypi

Noypi lyrics - Bamboo




Tingnan mo ang iyong palad
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay
Ang dami mong problema
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga astig
Saan ka man naroroon
Huwag kang matatakot
Sa Baril o Patalim
Sa bakas na madilim...

Chorus:
Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko...

Sinisid ko ang dagat
Nilibot ko ang mundo
Nasa puso ko pala hinahanap kong gulo
Ilang beses na akong muntikang mamatay
Oh, alam ko ang sikreto kaya't andito pa't buhay.

Oh sabi nila may anting anting ako pero ang di nila
Alam na Diyos ang dahilan ko...

Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko...
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko...

Ohh... ooohh...

Dinig mo ba ang bulong ng lahi mo?
Isigaw mo kapatid, ang himig natin...

Hoy, pinoy ako!
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko!
Hoy, oh pinoy ako!
May agimat ang dugo ko

Ohh... ooohh...

Filipino Artists/Bands