Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

You Don't Know Me

You Don't Know Me lyrics - KATHRYN BERNARDO





You don't know Me
You don't know Me
You were there but you didn't know me
Said you care but you were busy
Filling rooms w/ your harsh light
That I always found
Oh so gloomy!
Your way w/ words how they threw me
Into spirals
Into riddles
Into mazes
I thought I wanted to explore

La la la la la la
La la la
La la la la la

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

You don't know Me
Still don't know Me

Never bothered climbing walls
Feel demolished even though
You never got that far at
All over the place
Are you and I
All over this phase
Are you and I

You take left and i'll take right
Baby i'll see ya on the other side

La la la la la la
La la la
La la la la la

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

La la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la

You don't know Me
Still don't know Me

Guess you'll never really know me
It's too bad cause really baby
It's your loss after all

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford

Well darling this is chaos
I think we've reached a discord
And it's more than my heart can afford.

Magda

Magda lyrics - Gloc 9 feat. Rico Blanco





Magdalena anong problema, Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong nangyari sayo

Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ang ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang istorya

Akoy kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba
Pag bibigyan kita, Kilala mo ba si Magda?

Na aking kababata mula pa ng pagkabata,
Kami lagi magkasama. Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
Dahil pinawis ang mukha akoy nag punas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay ay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga Maynila

Magdalena anong problema, Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong nangyari sayo

Maraming taon ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan
Bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba, minamahal ko siya
Hahanapin ko si Magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi, kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kula'y ng buhok di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
Dahil ubod ng saya hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?

Ito'y kwento ng isang babaeng, tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ang ilaw ay patay sinde
Ituloy natin ang istorya

Agad siyang sumama sakin, walang kakaba-kaba
Ang trato niya sakin ay nobyo tila kataka-taka
Bumaba sa taxing pinara, sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip ayoko ng magising
Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sakin ang isinulat niya magdamag
Kahit gulong-gulo ang isip pinilit kong basahin
Di ko malilimutan ang mga sinabi niya sa akin

Mahal kong Enesto, alam kong tulog mo'y malalim
Di na ko nagpaalam, di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabe ng aking buhay
Nang iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako’y sagipin, itinulak sa bangin
Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babae
Na lamang amo’y ng laway ng iba’t-ibang lalaki
Isa lang ang kaya ko sayo’y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sayong mga yakap
Ako ma’y natutuwa dahil ako’y iyong nahanap
Wala na yatang walis na makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa’yo ay di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar ako ay ‘yong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko’y namanhid
Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap wag kana sana pang babalik
Regalo ng may kapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, nagmamahal Magda

Magdalena anong problema, Bakit hindi ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong ng yari sayo

Ito’y kwento ng isang babae.

Alay

Alay lyrics - Kamikazee





Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
At sa yong mga mata
Pag-ibig ay damangdama
Di masusukat aking ligaya

Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nangiiwan

Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Awiting kinakanta ng puso ko

Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Lahat ng ito'y wala kundi dahil sa yo
Di masusukat ang iyong puso

Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nangiiwan

Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Awiting kinakanta ng puso ko

Ito ay alay ko sa yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa yo
Ganap na pagsuko sa piling mo

Pare Mahal Mo Raw Ako

Pare Mahal Mo Raw Ako lyrics - Michael Pangilinan






Pare mahal mo raw ako
Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi galit ay wala ako
Pare pag-usapan natin to

Pare ako raw ang yong gusto
Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare pag-usapan natin to

Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita

Pare nandito lang ako
Nangangako sa yo ganoon pa rin ikaw, ako
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare kaibigan pa rin ako

Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita

Hindi maiilang lagi mong tandaan
Kaibigan mo ako kailanpaman

Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
Pare kaibigan lang kita

Bakit Ba Minamahal Kita

Bakit Ba Minamahal Kita lyrics - Angeline Quinto





Nakatulala, 'di alam ang gagawin
'Di ko maintindihan
Kung tayo pa rin
Nalilito sa mga sinabi mo
Akala ko ako lang
Ang siyang mamahalin mo
Bigla kang nagbago
'Di ko alam ang dahilan
Ako ba’y iiwan mo
'Di man lang nagpapaalam

Bakit ba minamahal kita
Bakit ba palagi mong
Sinasaktan ang puso ko
Nababaliw pa rin ako sa 'yo
Bakit ba minamahal kita
Kahit aking nadaramang
May mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa
Bakit ba minamahal kita

Nagtatanong, kung ano ang gagawin
Para magbalik sa 'kin
Ang dating pagtingin
Umaasa na sana'y tayo pa
Kahit ngayon ako sa 'yo'y
Parang balewala
Bakit nagbago
'Di ko alam ang dahilan
'Di ko kakayanin
Kung talagang magpapaalam

Bakit ba minamahal kita
Bakit ba palagi mong
Sinasaktan ang puso ko
Nababaliw pa rin ako sa'yo
Bakit ba minamahal kita
Kahit aking nadaramang
May mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa
Bakit ba minamahal kita

Woah...

Bakit ba minamahal kita
Bakit ba palagi mong
Sinasaktan ang puso ko
Nababaliw pa rin ako sa'yo
Bakit ba minamahal kita
Kahit aking nadaramang
May mahal ka nang iba
At parang bulag akong umaasa
Bakit ba minamahal kita...

Bakit ba mahal kita
Mahal na mahal kita...

Huwag Ka Nang Humirit

Huwag Ka Nang Humirit lyrics - James Reid






Handa ka na ba?
Maging aking sinisinta?
Pasensya ka na
Parang trip ko ngayong ibigin ka
Wag kang mag-alala
Di man ako manloloko
Gusto ko lang ngayong masosolo kita...
(Hahh.....)

Mamili ka na lang sa dalawa
Mahalin mo ako o mamahalin kita
Hindi ka pa ba nakakahalata
Sa akin wala kang kawala
Kaya...

Wag ka nang humirit (No...No...)
Basta ngayon ay tayo na
Wag ka nang magpumilit (No...No...)
Papakipot ka pa ba? (Ah...Hah...)
Pagkat bihira ang katulad mong di na pakawalan...

Huwag ka nang humirit
Huwag ka nang humirit
Simula ngayon ay akin ka na lang
Hooohh... Akin ka lang...
Oh...Hooh...Akin ka lang...
Sa atin ka na lang, sa atin na lang
Di ko ipagkakalat
(Oops...)
Sorry naman, sorry naman
Alam pala nilang lahat
Huwag kang mag-alala...
Ako lang ang nanigurado
Para walang magpapa-gwapo sa iyo
(Oh...Woahhh...)
Mamili ka na lang sa dal'wa
Mahalin mo ako o mamahalin kita
Hindi ka pa ba nakakahalata
Sa akin wala kang kawala
Kaya...

Wag ka nang humirit (No...No...)
Basta ngayon ay tayo na
Wag ka nang magpumilit (No...No...)
Papakipot ka pa ba? (Ah...Hah...)
Pagkat bihira ang katulad mong di na pakawalan...

Huwag ka nang humirit
Huwag ka nang humirit
Simula ngayon ay akin ka na lang

Ang wish ko lang...pagbigyan
Na mula ngayon ika'y akin lang
Pag may reklamo'y titingnan
Hinding-hindi pagbibigyan...(Han..)

Wag ka nang humirit (No...No...)
Basta ngayon ay tayo na
Wag ka nang magpumilit (No...No...)
Papakipot ka pa ba? (Ah...Hah...)
Pagkat bihira ang katulad mong di na pakawalan...

Huwag ka nang humirit
Huwag ka nang humirit
Simula ngayon ay akin ka na lang
Hi-yeah..Hi-yeah' yeah...
Akin ka lang...
Ohh..woahh...akin ka lang
Pagkat bihira ang katulad mong di na pakawalan...

Huwag ka nang humirit
Huwag ka nang humirit
Simula ngayon ay akin ka na lang

Saludo

Saludo lyrics - Quest





Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika'y isinilang

Di pangkaraniwang para siyang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro
Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap

Parang pelikula, action, adventure, drama
May konting comedy, love story na pang masa
Galing sa wala akala mo talo na tapos,
Yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos

Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon
Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy)
Ito ang araw mo, bayaning pinoy

[Chorus:]
Saludo
Sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay
Saludo
Mga kampeon, mga dakilang hindi sumuko, di nagpaalila
Saludo

Sa inspirasyon, karagdagang lakas
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo
Kami sa inyo ay saludo, saludo

Walang balak sumuko, walang planong gumuho
Tagumpay lang, walang iba binigay nya buong puso
Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso

Ang buhay positibo, agresibo mismo
Kaya pinarangalan syang Bayaning Pilipino
Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto
Inabot nya ang ginto

Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggan nag-trending, ang daming likes, di na makalimutan
Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan

Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan,
Binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay, walang humpay
Tagumpay,

[Chorus:]

[Bridge:]
Sabi daw walang pagasa pero tinapos
Sabi daw imposible pero di pa rin natakot
Sabi nila mahirap pero nag pursige
Kaya ngayon lahat sila sige lang sige

Nung lahat umurong, siya sumugod
Nung lahat lumubog, siya ‘di nalunod
Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

Saludo
Paglaki ko gusto ko maging katulad mo
Saludo
Maipagmamalaki sa buong mundo

Saludo
Ikaw ang dahilan kung bat hindi ako susuko
Saludo
Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat

[Chorus:]

Sige Lang

Sige Lang lyrics - Quest





(Oh Oh Ohhhh) (Oh Oh Ohhhh) Yeah....
Sige lang naman
Magandang umaga kaibigan

Eto na naman tayo bagong simula
Huminga ng malalim alisin ang kaba
Tapos na ang kahapon, pwede nang itapon
Huwag lang ang mga aral dapat yan ay ibaon

Katulong mo sa panibagong hamon

May paparating na bagong alon
Pwede kang laminin o pwede mong sabayan
Yung aral ng kahapon pwede ka ngang gabayan
Kung ako sayo tumayo ka ng dyan
Huwag ka nang magpahuli kami ay sundan
Patungo sa liwanag, aabutin ang tala

Pagkatapos pakita sa mundo pusong nag babaga
Unang lahat ay mamulat sa aking susulat
Parinig sa lahat ang aking iuulat
Huwag ka nang mabahala ako ang bahala
Kasangga natin si bathala

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible
!!!!

(Oh Oh Ohhhh 4X)
Nagniningning
Ang pangarap ng yong pusong
Humihiling na makalimutan ang kahapon
Sanay dinggin sigaw ng aking puso
Hindi susuko, hindi susuko!!!

Ilabas ang yong pangarap
Huwag mo yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ka sa yong silya
Ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa eto na eto na

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo (sama sama tayo)
Hanggang sa dulo ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!!!!

Hanggang ako’y humihinga
Sugod lang laban pa (yeah)
Pangarap abutin
Kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang, di ka nagiisa
Sige lang sige pa!!!

(Oh Oh Ohhhh 4X)
Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo (sama sama tayo)
Hanggang sa dulo ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!!!!

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo (sama sama tayo)
Hanggang sa dulo ano man ang pagsubok
Hindi susuko, alam kong kaya mo
Sige lang sige! Sige lang sige!
Walang imposible!!!!

(Oh Oh Ohhhh 4X)
(Sige lang sige, sige lang sige)

Akin Ka Na Lang

Akin Ka Na Lang lyrics - JM De Guzman







Wag kang maniwala d’yan, ‘di ka n’ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n’yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n’ya

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

‘di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo’y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n’yan, ‘wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika’y mabiktima
(‘wag naman sana)

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

‘di naman sa sinisiraan ko ang pangit na ‘yan
‘wag ka sana sa’kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan!

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
wala nang hihigit pa sa ‘yo
Wala nang hihigit pa sa ‘yo
Wala nang hihigit pa sa ‘yo

Kamangha-manghang Diyos

Kamangha-manghang Diyos by Papuri Singers 





VERSE 1:
O Diyos labis akong namamangha
Dahil kayganda ng Iyong nilikha
Mundo’y puno ng Iyong pagpapala
Sa’yong salita nagmula

CHORUS:
Masdan ang buong sandaidigan
Ganda’y sadyang di mapapantayan
Damhin maging ang hangin at ulan
Likha ng makapangyarihan

VERSE 2:
Kamangha-mangha O Diyos
Kapangyarihan Mong taglay
Walang makalulupig at wala nang papantay
Sa ngalan Mo O Diyos
Kami’y magsasaysay
Walang hanggang papuri ang aming alay



With Chords:












Kakapit Bisig

Kakapit Bisig by Papuri Singers





Kahit Na Ulitin Pa Man

Kahit Na Ulitin Pa Man by Papuri Singers 





Kahit na ulitin pa man
Sa gabi ay dalangin na
sa araw nama’y pangarap ka
ito ang damdamin ko mula ng lumisan ka

Kahit malayo man laging hiling sa maykapal
damhin ang paglingap ko
muling magbalik mahal

Refrain:
kahit na ulitin pa man
ang panahong ilalaan sa paghihintay
hindi mapapagal
batid ng diyos ang nilalaman
pag-ibig ko’y sa iyo lamang
di magbabago magpakailan pa man

Patuloy ingatan ka
pag-ibig natin sa isa’t isa
ito ang dalangin ko
bawat gabi sinta

At pag balik mo’ng muli
di na muling mawalay pa
ito ang pangarap ko
bawat araw sinta

Bridge:

nasaan ka man
dalangin sa iyo’y ilalaan

Una Sa Lahat

Una Sa Lahat by Papuri Singers



Isang Awit Isang Panginoon

Isang Awit Isang Panginoon by Papuri Singers





Isang awit, Isang tinig sa iisang Panginoon
Isang bisig, Isang lipi sa habang panahon
Kay Hesus lahat tayo'y mag-uugat
Kahit saan pa mang sanga
Kahit saan mang lupa
Kay Hesus mapag-iisa tayong lahat

Kahit pa man iba't-ibang dalangin
Dinirinig ng iisang Diyos natin
Kahit pa man sa libong pangitain
Natatangi ang pinagpipitagan natin

Kahit pa man sa sari-saring lahi
Pinapupurihan lang ay iisang langit
Kahit pa man sa bilang ng salita
Sa iisang Diyos sumasamba

Halina sa banal Nyang tahanan
May iisang dalangin
Pagsama sa Diyos natin
May iisang awitin
Si Kristo'y purihin

Humingi, Hanapin, Kumatok

Humingi, Hanapin, Kumatok lyrics - Papuri Singers



We Are All God's Children

We Are All God's Children lyrics - Jamie Rivera





Do you see these children on the streets?
Have you walked the pavements where they sleep?
Do you feel their hands when you give them alms?
Did you ever give them bread to eat?
Have you seen their homes washed by the floods?
While a mother tightly holds her child
Do you hear the wind of the raging storm?
Can you tell them where it's coming from?
Let us show our love and mercy
With true kindness and humility
For the God loves the weak and the needy
Just like you and me
We are all God's children we are all the same
He is calling us by name to help the poor and lame
And learn what life is really for
It's to know and love and serve the Lord

Stand together and let's do our part
Hear their voices mend their broken hearts
Choose to be brave fight for their rights
Give them back their honor and their pride
Please do not be blind and just leave them behind
To struggle in darkness or give them empty promises
We are all God's children we are all the same
He is calling us by name to help the poor and lame
And learn what life is really for
It's to know and love and serve the Lord
It's to know and love and serve the Lord
It's to know and love and serve the Lord

Leron Leron Sinta - (Philippine Folk Song)

Leron Leron Sinta lyrics - (Philippine Folk Song)







 Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.

Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, neneng,
Baka ka mahulog.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,

Ang ibigin ko'y
Lalaking matapang,
Ang baril nya'y pito,
Ang sundang nya'y siyam
Ang sundang nya'y siyam
Ang lalakarin nya'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban.

Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba


Mahal Kita Pero

Mahal Kita Pero lyrics - Janella Salvador






Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Di pwede kay nanay, di pwede kay tatay
Ayaw ni tito at ni tita
Mapili si ate pati si kuya
Strikto si lolo at si lola
Mag-aral raw muna
O mas bigyan ng oras ang pamilya
Pero tandaan mo to
Mahal na mahal kita

Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Pero pero
Bata pa tayo di ko pa kaya
Marami pa tayong inaasikaso
At baka rin posibleng sa iba ka pang magkagusto
Ang oras muna ay hayaang palipasin
Pag tama na ang panahon
Pwede mo na kong lambingin

Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Pero pero
Alam mo naman ilang beses ko nang pinaramdam
Ilang beses na rin kitang sinabihan
Na ako ay babalik
Nang handa kang mahalin at alagaan
Yeah yeah

Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Pero pero
Woah
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Mahal kita pero
Pero pero

Anak

Anak lyrics - Asin




Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo

Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa’y para sa 'yo
Pagkat ang nais mo’y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha ng di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali

Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali

Mr. Kupido

Mr. Kupido lyrics - Myrtle Sarrosa starring Enrique Gil




Lagi kong naaalala
Ang kanyang tindig at porma
At kapag siya ay nakita
Kinikilig akong talaga
Di naman siya sobrang guwapo
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito ang nadarama ng puso ko

Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako’y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
na walang patid

CHORUS:
Mr. Kupido
Ako nama’y tulungan mo
Ba’t hindi panain ang kanyang
damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya’y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko

Minsan siya ay nakausap
Ako ay parang nasa ulap
Nang ako’y kanyang titigan
Sa puso ay anong sarap
Tunay na kapag umibig
Lagi kang mananaginip
Pag kasama mo siya ay ligaya
na walang patid

CHORUS:
Mr. Kupido
Ako nama’y tulungan mo
Ba’t hindi panain ang kanyang damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya’y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko

CHORUS:
Mr. Kupido
Ako nama’y tulungan mo
Ba’t hindi panain ang kanyang damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya’y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko

Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso ko
Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso ko

Mr. Kupido

Kung Ako Nalang Sana

Kung Ako Nalang Sana lyrics - Khalil Ramos






Heto ka na naman
Kumakatok saking pintuan
Muli naghahanap ng makakausap
At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba’t kailan lang nang ika’y iwanan nya
At ewan ko nga sa ‘yo
Parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo,

Heto pa rin ako
Umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito’y magbago
Narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang
Mahalin mo rin akong lubusan …

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo,

Kung ako na lang sana woooohhhhhhh…..

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo,

Kung ako na lang sana (2x)

Chinito

Chinito lyrics - Yeng Constantino








Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin

[Chorus:]
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...

Kung hindi inaantok
Kung hindi nasisilaw
Pwede bang malaman ko
May pag-asa pa kayang matatanaw
Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo
Isang ngiti mo lang sakin
Ay baon ko hanggang sa pag-uwi
Oh chinito
Balang araw ay malalaman mo rin

[Chorus:]
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...

Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Ah sige tawa lang nang tawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako’y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...

Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko

Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko lyrics - ABS-CBN Christmas Station ID 2013








Bawat Pasko’y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito’y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Ano mang lungkot, tayo’y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa’t isa’y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo’y magaganap

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Kahit sino ka man, may nagmamahal sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

wo-oh wo-oh-oh
wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko

Mga alaala sa Pasko’y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
O, umuukit nang malalim

Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan

Laging masaya ang kwento ng Pasko
Kahit sino ka man, may nagmamahal sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Bridge:
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa iyo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Alam Niya Ba

Alam Niya Ba lyrics - James Reid







La la la la la la
La la la la la la
La la la la la la
La la la la la la

Alam niya ba’ng paboritong kulay mo?
Alam niya ba’ng buti ng buhay mo?
Alam niya ba kung gaano mo kaayaw na magpatalo
At laging ikaw ang tama, malinaw kahit na malabo

(Sana…)
Alam niya kung paano ka pasayahin
(Sana)
Alam niya kung paano ka kikiligin
(Sana)
Alam niya bang iwasan na saktan ang puso mo,
Na maging katulad ko… Ohhhh…

(La la la la la la)
Alam niya ba kung paano?
(La la la la la la)
Magmahal ng totoo?
(La la la la la la)
Yung tipong di ko na gawa
Alam niya ba? Alam niya ba?

Alam niya ba mahal pa rin kita? Hey….
Alam niya ba mahal pa rin kita? Ohhh ohhh ohhh
Alam niya ba mahal pa rin kita? Heeey….
Alam niya ba mahal pa rin kita? Hey hey hey

(Sana)
Alam niya kung paano ka pasayahin
(Sana)
Alam niya kung paano ka kikiligin
(Sana)
Alam niya nang iwasan na saktan ang puso mo,
Na maging katulad ko… Ohhhh…

(La la la la la la)
Alam niya ba kung paano?
(La la la la la la)
Magmahal ng totoo?
(La la la la la la)
Yung tipong di ko nagawa
Alam niya ba? Alam niya ba?

Alam niya ba mahal pa rin kita?
Alam niya ba na di ka dapat hinahayaang mag-isa?
Alam niya ba na di ka dapat hayaang maagaw ng iba?
Alam niya ba na lagi dapat siyang mag-gogood night?
Alam niya ba na na see you later lang walang goodbye?
Alam niya ba na dapat ingatan niya ang puso mo?
Alam niya ba na di siya dapat maging katulad ko?

(La la la la la la)
Alam niya ba kung paano?
(La la la la la la)
Magmahal ng totoo?
(La la la la la la)
Yung tipong di ko nagawa
Alam niya ba? Alam niya ba?

Alam niya ba mahal pa rin kita?
Alam niya ba mahal pa rin kita?
Alam niya ba mahal pa rin kita?
Alam niya ba mahal pa rin kita?
google.com, pub-9014938279801826, DIRECT, f08c47fec0942fa0

Filipino Artists/Bands