Translate English French German Spain Italian Dutch Russian Portuguese Japanese Korean Arabic Chinese Simplified

Ang Pupuno Sa Akin

Ang Pupuno Sa Akin lyrics - Bukas Palad





I
Madama man ang ligaya, matanggap man ang karangalan,
Maangkin man yaman at kalayaan, nasa'kin man ang lahat, tila may kulang pa.

II
Maabot man ang tagumpay, makamtan man mga parangal,
Makuha man mga luho at layaw, nasa'kin na ang lahat, ngunit may kulang pa.

KORO
Aanhin ko ang lahat ng yaman dito sa mundo kung wala Ka naman sa puso ko?
Anong halaga sa buhay ng tagumpay at parangal?
Makuha man ang lahat, hindi rin sasapat.
Ikaw lang ang pupuno sa kulang na buhay ko.

III
Magbago man ang kapalaran, mawala man ang karangyaan,
Maglaho man ang tuwa at saya, basta't Ikaw ang kapiling, lahat ay muling kakamtin.

TULAY
Ang ating pagkukulang ay bunga ng pagkaligaw.
Hayaan sundan ng puso ang Daan ng Buhay patungo sa Katotohanang:

(KORO)

(Ulitin ang III)

KODA
Ikaw lamang ang pupuno. Ikaw! Ikaw! Ikaw!

0 comments:

Filipino Artists/Bands